Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“A little jealousy in a relationship is healthy...it's always nice to know someone's afraid to lose you.”
[Light’s POV]
“WOOOHHHOOO!!! Tengene mo Light! Ano ka ha! Tatlong digit oh! Tatlong digit! Ganyan ba score mo ha?!” pang-asar. Paikot-ikot sakin si Ashley habang pinapamukha sakin yung score nya sa finals namin sa Accounting.
“Tengene mo rin. Umupo ka nga. Nahihilo ako sayo.”ano naman ngayon kung perfect score nya.
“Wooshoo! Inggit ka lang eh. Ano ba score mo ha? Patingin nga!” pilit nyang kinukuha yung test paper ko.
“Ayoko! Tigilan mo nga ako! Umupo ka sabi eh!”tae na. Ang kulit nang hot dog na ‘to.
“Patingin lang eh! Ang damot nito!” tumayo ako tsaka ko tinaas yung test paper na hawak ko.
“Ang kulit mo! Ayoko sabi eh! Seat!”tuloy pa rin sya sa pag-abot nang test paper ko.
“Light naman, ang damot mo! Kinahihiya mo siguro grade mo nuh?!” - - Ashley
“Kung may ikakahiya lang din ako.. ‘yun eh ang makilala ka.”huminto sya sa pag-abot nang test paper ko, umupo sya at dumukdok sa desk.
“Hoy Ashley, anong nangyari sayo?” anong drama ni hot dog?? Wag nyong sabihin na nasaktan sya sa sinabi ko?
Tumabi ako sa kanya habang patuloy ko syang kinakalabit sa ulo. Oo. Sa ulo.
“Tae na Ashley wag mo sabihing affected ka sa sinabi ko?” hindi pa rin nya inaangat ang ulo nya.
“Ashley wag kang magdrama. Hindi bagay sayo.” parang tanga lang talaga.
“Hoy umayos ka nga.” tae. hindi man lang natinag. Problema ba talaga nito?
Maya-maya pa narining ako syang nagi-sniff. Umiiyak ba sya?
“May sipon ka pala hindi mo sinabi, mamaya mahawa mo pa ko.” pag hindi pa ‘to umayos uupakan ko na talaga ‘to. Kapal nang apog magdrama.
“Ashley naman! Umayos ka nga!” naaasar na ko nang hot dog na ‘to.
“Tangi..--- Hoy!” bigla nyang inagaw yung test paper sa kamay ko.
“Hahahaha! Tengene ka Light! You‘re so easy to fool! Uto-uto! Woohoo!”tumatalon pa sya sa tuwa sabay tingin sa test paper ko.
Mula sa pagiging (^_^) naging (O_O) tapos (0.0) tapos (T_T) at (>.<)
“Ano na naman nangyari sayo?” napaupo sya ulit sa tabi ko tsaka sya nagpangalumbaba.
“Oh. Ayan na.”binalik nya yung test paper ko “Pareho lang pala tayo nang score. Nagmukha lang akong tanga dito. Sama mo talaga nuh.” - - Ashley
“Ako pa ang naging masama ngayon ah eh ikaw nga ‘tong mayabang dyan.”
“Hindi ako nagmamayabang.. inaasar lang kita. Idiot!” - - Ashley
“Galing mo nga eh. Sobrang naasar ako.” eh mukhang sya ang naasar sakin wala naman akong ginagawa. Effortless. Gwapo mo talaga Light.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...