FHP #55

6.3K 95 6
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“The enchantment of first love is our ignorance that it has no end.”

“Ano ba Ashley! Wag ka na ngang tumulong! Sayang lang ‘yung pintura!” sigaw ni Light kay Red habang nagpipintura. Second day na nang renovation nang Cox pero halos wala pa silang nagagawa.

“Sayang ka dyan! Ang ganda kaya nang gawa ko!” pagmamagaling ni Red kay Light. Nakatuntong sya sa isang ladder, puro pintura na rin ang mga braso at kamay nila ni Light.

Tiningnan ni Light ‘yung ginagawa ni Red.

“Hot dog bumaba ka nga dito.” bumaba si Red tsaka sya tumabi kay Light. Pareho nilang tiningnan yung gawa nila.

“Nakikita mo ba ang malaking difference sa gawa natin, ha?!” - - Light

“Okay naman ah.” - - Red

“Anong okay?! Magkaiba nang shape, nang blending, at yung…--- Lahat panget!” - - Light

“Ang sakit mo namang magsalita…” sabay punas nang brush na may pintura sa mukha ni Light.

“ANO BA!” - - Light

“Oooppsss…” sabay punas ulit sa kabilang pisngi ni Light “.. perfect! Ngayon ko lang nalaman, gwapo ka pala!” - - Red

“Talaga Ashley…” Light’s turn “… ayan, mas bagay sayo yung ganyan.” - - Light

“YYAA! Black paint ‘yan oh!” - - Red

“Hahahaha! Mukha ka nang ati-atihan Ashley oh! Hahaha! Tapos…” nilagyan nya nang malaking bilog si Ashley sa ibabaw nang ilong nito “Hahaha! Fulgoso Ashley! Bagay!” - - Light

“Bwiset ka Light!” - - Red

Tawa pa ng tawa si Light habang pinupunasan ni Red yung pintura sa mukha nya nang bigla na lang syang mapahinto sa kakatawa.. narealized nya na ngayon lang sya ulit tumawa nang ganun, hindi na nya matandaan kung kelan sya tumawa nang katulad ngayon. Yung tawang sobrang carefree at parang walang problema. Yung tawang kahit sobrang babaw nang dahilan.. ang sarap pala sa pakiramdam.

Napatitig sya kay Red.. madalas silang mag-away, mabibilang nya lang ata ang mga pagkakataon na nagkakasundo sila pero bakit ang isang childish at mababaw na babae lang na katulad ni Red ang makakapagpatawa ulit sa kanya. Weird. Sabi nya sa sarili nya.

Napangiti na lang sya habang umiiling.

“Light!” parang batang tawag ni Red kay Light “Ayaw maalis oh.. namumula na ‘yung ilong ko..” - - Red

“Hahaha! Kanina fulgoso ngayon naman mukha ka nang reindeer ni santa claus.” - - Light

Kinuha ni Light yung pano nya tsaka nya hinawakan ang baba ni Red..

“H-Hoy anong gagawi…---” - - Red

“Wag kang malikot.” pinupunasan ni Light yung pintura sa ilong ni Red. Napapatitig naman si Red sa kanya.

“Bakit?” - - Light

“Sa malapitan pala…” - - Red

“Ano?” - - Light

“… mas panget ka… --Aray! Ang sakit naman Light!” napahawak si Red sa ilong nya. Lalo itong namula.

“Ang daldal mo kasi eh!” hinawakan na nya sa batok si Red “Wag kang malikot!” - - Light

Frozen Hearted PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon