Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“Sometimes you just need to step outside, get some fresh air, clear your head, and remind yourself of who you are and who you want to be with.”
“Ashley!” hinabol ni Light si Red pababa nang hagdan.
“Oh Light. Bakit?” - - Red
“Paki tapon na nga ‘yang phone mo!” - - Light
“Huh? Bakit?” - - Red
“Tinext kita kanina hindi mo naman ata tinitingnan phone mo. Tatanga-tanga ka na naman. Wala kang kwenta.” - - Light
“Eh bakit kasi tinext mo pa ko eh magkatabi lang naman tayo!” - - Red
“Pake mo eh gusto ko.” - - Light
“Psh. Ano ba kasing tinext mo?” - - Red
“Wala. Tara na nga.” hinila ni Light si Red pababa nang building.
“Huy Light, saan ba tayo pupunta?” - - Red
Hindi sya sinagot si Light hanggang sa makarating sila sa parking lot.
“Sakay.” - - Light
“Ayoko.” - - Red
“Sakay sabi eh.” - - Light
“Ayoko sabi eh.” - - Red
“Bakit ang kulit mo?” - - Light
“Bakit ang kulit mo?” - - Red
“Tsk. Ashley sakay na.” - - Light
“Sabihin mo muna kung saan tayo pupunta? Tsaka, pumayag na ba kong sumama sayo ha? Bigla ka na lang nanghihila dyan.” - - Red
“Kusa kang sasakay o bubuhatin pa kita papasok nang kotse?” - - Light
“Grabe Light, ang init nang ulo mo. Sasakay na nga oh.” - - Red
Sumakay nang kotse si Red kasunod si Light. Umalis sila sa school.
Habang nagdadrive si Light, binigay nya ‘yung phone nya kay Red.
“Anong gagawin ko dito?” - - Red
“Kainin mo.” - - Light
“Masarap ba ‘to?” - - Red
“Oo. Apple ‘yan eh.” - - Light
“Itapon ko kaya sa labas ‘to.” - - Red
“Subukan mo, itatapon din kita.” - - Light
“Psh.” binuksan ni Red ‘yung bintana nang kotse tsaka nya nilawit sa labas ‘yung phone ni Light.
“Anak nang! Ashley ah! Kapag ‘yan nalaglag talaga! Humanda ka sakin!” - - Light
“Sus! Para sa phone lang eh. Yohoo… Light oh! Bigla ko kayang bitawan nuh.” pang-aasar ni Red habang pinaglalaruan ‘yung nakalawit na phone ni Light.
“Ashley ano ba!? Ipasok mo nga ‘yan dito!” - - Light
“Kumanta ka muna.” - - Red
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...