FHP #4

9.2K 167 18
  • Dedicated kay Julieth Bernette Faustino
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^__^

“Fact about guys: It’s good to test a guy first before you

         believe him. But don’t let him wait that long.”

[Zoey’s POV]

“Red! Si Jules?”

“Nasa puso mo!” - - Red

“Red!!”

“Nasa gym!” - - Red

“Thanks!”

Tumakbo ako papunta nang gym. Hinanap ko siya, nakaupo siyang mag-isa sa bleacher, nagsusulat. Nilapitan ko siya.

“Jules!”

“Ay pussycatdolls na malaki!!” - - Jules

Nahulog niya yung pen niya dahil sa sobrang gulat. Nakalimutan kong magugulatin nga pala siya. Pinulot ko yung pen tapos inabot ko sa kanya.

“Okay lang na patayin mo ko sa sobrang nerbyos wag lang sa sobrang pagmamahal!” - - Jules

Umupo ako sa tabi niya, sinarado naman niya yung notebook niya.

“Jules, I have a question.”

“Ano namang pake ko sa question mo! Sayo na lang.” - - Jules

Kinuha ko yung dalawang kamay niya tapos hinawakan ko nang mahigpit.

“Jules, will you give me a chance?”

Nakatingin ako sa mga mata niya. Kahit sa pamamagitan man lang nang mata niya, makakuha ako nang sagot.

Binawi niya mga kamay niya.

“Chance? Bakit? May ano?” - - Jules

“Jules naman. Please!”

Bigla siyang tumayo tapos kinuha yung mga gamit niya. Bumaba siya nang bleacher.

“Alam mo kung bakit ako ganito. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo.” - - Jules

Naglakad na siya papaalis nang gym.

“Jules!”, huminto siya pero nakatalikod pa rin “Alam mo rin kung bakit ako ganito. Hindi ako susuko.”

Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Napaupo ulit ako sa bleacher tapos inihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, sumunod na lang ako sa katawan ko. Hindi na ko nakapag-isip pa.

“Lumabas na kayong dalawa diyan. Nagmumukha lang kayong mga tanga diyan.”

Akala siguro nila hindi ko napansin na nagtatago lang sila sa malaking poste. Tsk! Wala na talaga kong maitatago pa sa dalawa na ‘to. Umupo silang pareho sa tabi ko.

“Oh! Ano Cloud? Ganun dapat ang gayahin mo!” - - Red

“Hindi ba masakit yun pre? Talikuran kang binasted?” - - Cloud

“Ano ka ba! He’s not totally busted, hindi daw siya susuko diba? Palibhasa kase, hindi ka marunong manligaw!” - - Red

“At least hindi ako broken hearted ngayon.” - - Cloud

“Sus! Mararanasan mo rin yan! Asan na yung sinasabi mo saking diskarte? Ilabas mo! Wala ka pala eh!” - - Red

“Red! Huwag mo kong hamunin! Baka bukas makalawa kainin mo yang sinasabi mo!” - - Cloud

Frozen Hearted PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon