Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
"My mortal enemy is so stimulating."
[Light's POV]
"Light!" - - Zoey
Nakasalubong ko si Zoey sa hallway nang building namin.
"Bakit?"
"Si Red?" - - Zoey
"Ewan ko."
Napansin kong may dala syang mineral water.
"Bakit mo sya hinahanap? Wala pa ba sa room namin?"
Dapat nasa room na 'yun kasi ilang minuto na lang magsisimula na ang midterm exam namin sa Law.
"Wala namang tao sa room nyo eh. Nasa lap pool na siguro 'yun." - - Zoey
"Lap pool? Bakit?"
"May game sya ngayon against sa ibang university. Ibibigay ko sana 'tong tubig nya kasi hindi ako makakapanood nang laban nya eh." - - Zoey
"Pano 'yun eh may exam kami ngayon."
"Excuse siguro si Red dun. Manonood ka ba nang game nya? Paki bigay naman 'tong water nya oh." - - Zoey
"Bakit hindi na lang ikaw ang dumaan dun para ibigay yan?"
"Hindi na pwede eh. Malelate na ko sa meeting namin." - - Zoey
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...