FHP #56

5.9K 89 1
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

"Love knows no seasons, love knows no lies. Love disobey all reasons, love has no eyes but it sees though it doesn't mind."

"Bakit ba ang hilig mong ayain akong manood nang cine? Puro horror naman pinapanood natin." tanong ni Raine habang papalabas sila nang cinehan ni Cloud.

Inakbayan sya ni Cloud sabay ngiti sa kanya. Bigla syang napatitig kay Cloud. Grabe. Dati walang epekto sa kanya ang mga ngiti ni Cloud pero ngayon halos malusaw na sya nito.

"Wag mo nga akong titigan Ulan ko.. mamaya hindi ko mapigilan sarili ko." napaiwas agad nang tingin si Raine. Nahiya sya bigla. Minsan hindi na nagkakasundo ang utak at puso nya kapag nandyan si Cloud. Ang laki na nang pinagbago nya.

"T-Tigilan mo nga ako." - - Raine

Inalis ni Cloud ang braso nya sa balikat ni Raine tsaka nya pinamulsa pareho. Nakangiti lang sya habang naglalakad sila. Hindi nya talaga maialis ang ngiti sa mga labi nya tuwing kasama o kahit naiisip lang nya si Raine. He is Cloud that floating in a cloud.

"Bakit ka nakangiti?" - - Raine

"Ewan ko. Hindi ko maalis oh. Pano ba 'to tanggalin?" - - Cloud

"Gusto mo paiyakin kita para maalis yan?" - - Raine

"Hindi. Wag na Ulan ko. Okay na ko nang ganito." - - Cloud

"Raine! Cloud!" lumingon-lingon sila sa paligid para tingnan kung sino yung tumatawag sa kanila. Nakita nilang papalapit sa kanila si...

"Best friend! Musta na?" bati ni Cloud kay Red.

"Ako, di mo ko kakamustahin?" epal ni Light.

"Bakit? Best friend ba kita?" - - Cloud

"Ako na lang Light. Kamusta ka na?" - - Raine

"Ayos naman. Buti pa ikaw Raine mabait." - - Light

"Sabi nga nila." - - Raine

"Ay sows! Nagkasundo oh." - - Red

"Hoy Light! Tigilan mo nga si Ulan ko. At ikaw naman Ulan ko, wag kang maaawa sa Light na 'yan! Masama ugali nyan!" - - Cloud

"Sino namang sinungaling ang nagsabi sayo nyan?" - - Light

"Si best friend." - - Cloud

"Hindi na ko magtataka." - - Light

"Alam mo Cloud, epal ka talaga sa mundong ibabaw eh. Get lost nga!" - - Red

"Oy wag naman." - - Raine

"Don't worry Raine, hindi ka pa kasal sa kanya kaya hindi ka pa mabubyuda." - - Red

"Ang sama mo Red." - - Raine

"Matagal na." - - Light

"Isa ka pang epal eh!" - - Red

"Teka nga, ano bang ginagawa nyo dito?" - - Cloud

"Ito kasing si Light eh! Bibili na lang ba naman nang gamit sa bar nya hindi pa kayang mag-isa! Kailangan talaga may katulong pa?!" - - Red

"Katulong talaga tingin mo sa sarili mo?" - - Light

"Oh wait, let me rephrase it.. Kailangan talaga may kasama pa?!" - - Red

Frozen Hearted PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon