Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“Sometimes life just seems like chapters of goodbyes. Some good, some bad, but all come together to create the story of our lives.”
Gabi na..
Marami nang nakasinding ilaw sa paligid..
Tumila na rin ang malakas na ulan..
Ngunit, nasa sidewalk pa rin si Red..
Tulala, umiiyak at basang-basa..
Hindi alam kung ano ang gagawin..
“What should I do?” tanong nya sa sarili nya.
Kanina pa nya iniisip nang pauli-ulit ang lahat nang nangyari..
Paulit-ulit.. pero hanggang ngayon, naguguluhan pa rin sya..
Hindi pa rin nya matanggap..
Sa isang iglap lang..
Nawala ang halos lahat sa kanya..
Mga kaibigan..
Mga tinuturing na kapatid..
Lalaking mahal nya..
“Wag kang susuko Red.. kaya mo ‘yan.”
Tumakbo sya pabalik nang building nila tsaka sya sumakay sa kotse nya..
“Kahit ikaw lang Light.. kahit ikaw lang ang maniwala sakin..” punas sya nang punas sa mga luha nya habang nagdadrive.
*Dingdong!* *Dingdong!*
Pinuntahan ni Red si Light sa bahay nila. Kahit anong mangyari.. magpapaliwanag sya kay Light. Kahit ipagtabuyan pa sya nito.. basta ang mahalaga.. pakinggan sya nito.
Binuksan nang mommy ni Light ang gate. Nagulat sya sa itsura ni Red.
Tiningnan nya ‘to mula ulo hanggang paa.
“M-Ma’am..” - - Red
“Anong ginagawa mo dito? Bakit basang-basa ka?” - - Light’s mom
Lumapit si Red sa mommy ni Light “Ma’am.. p-pwede po bang makausap si L-Light?” nanginginig si Red habang nagsasalita dahil sa sobrang ginaw.
“Wala si Light dito.” - - Light’s mom
“M-Ma’am please po.. k-kailangan ko po talagang makausap si Light. S-Sandali lang po ma’am.. may ipapaliwanag lang po ako sa kanya.” - - Red
“Wala nga sabi ni Light dito. Umalis ka na.” - - Light’s mom
Isasarado na sana nang mommy ni Light ang gate nang pigilan ito ni Red. “W-Wag nyo naman po sya itago sakin.. parang awa nyo na po..” - - Red
“Bakit ba ang kulit mo?! Hindi ko sya tinatago sayo! Umalis ka na!” tuluyan nang sinarado nang mommy ni Light ‘yung gate.
“Ma’am! Sandali lang po!” sigaw ni Red mula sa labas nang gate. Napahinto ‘yung mommy ni Light. “K-Kung sakaling hindi ko na po sya makausap.. pwede po bang kayo na ang magsabi sa kanya na..” sabay nang pagyuko ni Red ang pagpatak na naman nang mga luha nya “.. paki sabi po na.. mahal ko siya.” tumingin si Red sa mommy ni Light “Mahal na mahal ko po siya ma’am.” after that, tuluyan nang pumasok nang bahay ang mommy ni Light.
Napaupo si Red sa labas nang gate. Iyak pa rin sya nang iyak. Sobrang sakit na nang puso nya.
Pero hindi sya pwedeng sumuko.. kung sinukuan na sya nang mga best friends nya..
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...