Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“You want war? I’ll give you war.”
[Red’s POV]
Weekend na naman. That means, JUREDAINE day! Yup. Every weekend lang kami pwede pumuntang bistro dahil ‘yun ang utos nang aming mga tatay. Actually, sa mga daddies talaga namin ang bistro na ‘to at ipinangalan lang saming tatlo. JU – from JUles, RED – from Red and AINE – from Raine, now it’s JUREDAINE. Katulad naming tatlo na magbebest friend na simula pa lang nung mga bata pa kami, ganun din ang mga tatay namin. Magbebest friend din sila kaya napagdesisyunan nilang magpatayo nang bistro.
Nauna akong pumunta nang bistro kila Jules and Raine. May importante pa kasi akong inasikaso and you’ll find it out soon. Tinutulungan ko si Manager Cassie na i-manage itong bistro dahil marami na namang tao. Well, as part of my training too. BSBA student ako eh. Bumalik na yung dati naming mga customer. Back to normal.
May isang babae ang pumasok nang pinto, mukhang Japanese at halatang bago lang dito. Umupo siya sa bar.
“Tequila.” - - her
“Cocktail.”
Lumapit ako sa kanya tapos pinalitan ko yung inoorder niya kay Cloud.
“Who are you? I want tequila!” - - her
Hala! Ang taray nang babaeng ‘to ah.
“I think you’re underage, right?”
“Who cares?!” - - her
“Psshh! Honey, don’t shout. I’m not deaf. You can’t drink alcohol yet. And you’re not allowed here.”
Ininom niya yung cocktail drink na binigay ni Cloud. Ang lokong Cloud, kung makatitig sa Haponesang ‘to parang malulusaw na.
“Bakit ikaw, I think you’re on my age too? Bakit ka nandito?” - - her
“I’m always here. And I’m on the right age to come here not like you.”
Natahimik siya. Bakit ba ko napapa-english sa babaeng ‘to?
“How’s your problem going?”
“I’m sorry?” - - her
“Almost all people like you come in a bar like this with a problem. Akala nila kapag nagpakalunod sila sa alak eh makakalimutan na nila ang mga problema nila sa buhay. Oo, sa isang gabing kasiyahan makakalimutan mo ang mga ‘yun pero pagmulat nang mata mo sa umaga, maaalala mo na naman ang mga problema na kailangan mong harapin dahil kung hindi ay habang buhay ka na lang gigising sa umaga na may problemang iniisip.”
Nakatulala lang siya sakin. I think I get the point. How easy for me to read a human’s mind.
“Honey, lahat tayo ay may problema sa buhay. Siguro, yung iba magagaan lang yung iba naman sobrang bigat na to the point na gusto na nilang sumuko pero problema pa rin yun. But always rememeber honey, hindi Niya tayo bibigyan nang trials in life na hindi natin kayang i-conquer. Everything happens for a reason.”
Ngumiti na lang ako sa kanya. Ang ganda niya kaso mukha siyang wasted ngayon. Ang bata pa pero parang ang dami nang iniisip na problema.
“Actually, hindi naman dapat natin tinatawag na problema ang mga masasamang bagay na nangyayari sa atin . . . we should called it CHALLENGES.”
“What’s your name?”
My name?? Bakit kaya? Well, it’s so strange nga naman na may lumapit sayong isang babae na nagsalita nang kung anu-ano tapos hindi mo naman kilala. In short, pakealamera ako. . . . Tinuro ko na lang yung pulang rosas.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...