Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
[Buzz ni tutu-BEE: Hi po! Please play the song at your right side. It's a beautiful song. Corny ko nuh, may buzz buzz pa kong nalalaman.. hahaha! Ako rin po 'yan.. tutu-BEE is the pet name. LOL. :) ]
“Trust HIM. Pray and have strong faith. HE’s always there for you.. for us.”
[Light’s POV]
“A-Ashley..”hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. “.. patawarin mo sana ko.. I’m so sorry Ashley.”tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.
Simula nang makilala kita, naging iyakin na ko. Iniyakan ko si Gecca dati pero bakit mas masakit ‘to? Bakit parang unti-unti akong pinapatay nang sakit na nararamdaman ko?
Tiningnan ko ang mukha nya.. parang lalong may sumakit.. kasalanan ko kung bakit nangyari sayo ‘to..
“A-Ano bang nangyayari?”una kong tanong sa natutulog na panget na ‘to. “Ang panget mo.”tiningnan ko ‘yung ulo nya na puno nang benda “Gusto ko ring maging panget.. pwede bang ako na lang dyan sa posisyon mo? Gusto ko ring matulog.. pwede bang tabi tayo? Gusto ko ring mawalan saglit nang nararamdaman.. pwede bang idamay mo na ko?”
“Partners tayo diba? Bakit ba nagsosolo ka dyan? Madaya ka talaga.. kadalasan talaga selfish ka eh.. bakit hindi mo man lang sinabi sakin na yaya ka pala eh di sana naging yayo na rin ako.”
“Saan ka ba nagpunta nang gabing ‘yun? Napakagala mo. Tingnan mo, naunahan ka tuloy ni Gecca..”tangnang babae ‘yun. Mapapatay ko sya. “.. eh di sana ikaw ang nahalikan ko at hindi sya.. naaksidente ka na at lahat hindi mo pa ko nahahalikan.. mahina ka talaga. Wala kang kwenta. Kaya siguro nagkahead injury ka, para magising ang mga neurons mo sa utak.”
“Sabi ko pa naman noon, ayoko nang babaeng bobo.. kaya ayoko sayo eh.. pero bakit ganito? Siguro hinawahan mo ko nang pagiging bobo. Bobo na rin ba ko sa pagmamahal sayo?”
“Alam mo bang hindi ko naisip dati na makakatagpo ako nang isang babaeng katulad mo? Ikaw siguro ang dahilan kung bakit napakaexciting nang buhay ko.”
Naaalala mo pa ba nun, sobrang galit na galit ka sakin nang sumugod ka sa bar ko. Hindi ko alam kung papano magrereact sa sobrang kasungitan mo. Napakapalaban mo noon during our wars. Hindi talaga kita mapasuko.. buti na lang dumating sila daddy para pukpukin ang ulo mong sobrang tigas.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...