Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“I’m moving closer to you.”
[Raine’s POV]
**Condo**
*♪♪Just call me beautiful, Call me beautiful
Call me beautiful, Call me b-e-a-utiful♪♪*
“Red! Yung phone mo!”
Patakbong pumunta dito sa living room si Red mula sa kitchen. Tinutulungan niya si Jules na magluto nang miryenda namin na banana que! Yummy!
“Oh? Problemo? |Di nga? | Ngayon na? | Oo na!” - - Red
Binaba niya yung phone niya sa center table namin tapos ngumiti sakin.
“Raine, magbihis ka na. Casual lang ah.” - - Red
“Bakit? Aalis tayo?”
“Oo. Aalis ka.” tinulak niya ko papasok nang room ko “Bilis! Dapat within 15 minutes bihis ka na ah. Go!” - - Red
“Pero Red, saan ba ko pupunta? Bakit hindi kayo kasa…---”
*BOOGSH!*
Ay bastos! Sinarado agad yung pinto. Hala! Saan ba ko papupuntahin nang babaeng ‘yun? Anyway, siguro naman hindi ako ibubugaw nun diba. Pumasok na ko nang bathroom tapos naligo, nagpalit lang ako nang blouse, jeans and heels. Naglagay rin ako nang light make-up and yung hair ko, nakalugay lang.
Paglabas ko nang room ko, naaamoy ko na yung banana que. Hmm! Yummy! Pumunta agad ako sa kitchen, naabutan ko yung dalawa na kumakain na nang banana que.
“Penge!”
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...