Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“It hurts when a guy dumps you, but it hurts even worse when your best friend dumps you for a guy.”
Paglabas ni Raine nang Starbucks, dirediretso syang sumakay nang kotse nya.
[Raine’s POV]
“AAAAHHHHHHHHHHH!!!!! BAKIT!?! BAKIT NYO NAGAWA SAKIN ‘TO!?! ANG SAKIT-SAKIT!! BEST FRIEND KITA RED!! BAKIT BEST FRIEND MO PA?! BAKIT BOYFRIEND PA NANG BEST FRIEND MO?! MAHAL NA MAHAL KO SI CLOUD!! ANONG GAGAWIN KO!?” napadukdok ako sa manibela nang kotse ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa mata ko.
Ano nang gagawin ko?!! Ang sakit-sakit! Kumikirot ang puso ko sa sobrang sakit. Feeling ko anytime sasabog na ‘to. Bakit ganito na lang kasakit!? Ngayon ko lang naramdaman ‘to! Ano ba!? Pano ba ‘to tanggalin!?
Red.. pano na!? Mahal na mahal ko talaga si Cloud. May karapatan naman akong magalit sayo kasi girlfriend ako ni Cloud! Bakit hindi mo agad sinabi sakin!? Bakit pinagtulakan mo pa sakin si Cloud kung may anak na kayo!? Gusto mo bang paglaruan lang ako ni Cloud?! Bakit Red?! Bakit ang sama-sama mo sakin!? Bakit mo ko sinasaktan nang ganito?!
Pero ‘yung bata. Paano ‘yung bata!? Mababaliw na ko!! Please Lord! Help me! Hindi ko po ‘to kaya! Ano pong dapat kong gawin!? Nauna si Red sa buhay ni Cloud. Hindi naman pwedeng agawan ko nang ama ‘yung bata.
“SHEEETTT!!! ANO NA?! PANO NAMAN AKO!? CLLOOUUDDD!! BAKIT MO ‘TO NAGAWA SAKIN?! AKALA KO BA MAHAL MO KO!?”
Akala ko ba pakakasalan mo ko?! Akala ko ikaw na. Ayos na ang lahat Cloud. Pero sinira mo ring lahat!
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa patuloy na pag-agos. Nagstay pa ko nang ilang minuto bago ko tuluyang umalis sa Cubao.
Imbis na umuwi sa unit namin. Sa bahay namin sa Alabang ako umuwi.
“Oh hija! Bakit nandito…---” napahinto si mama sa pagsasalita nang makita nya ko. Napansin siguro nyang namamaga ang mga mata ko.
Humalik ako sa pisngi ni mama tsaka ako dumiretso sa terrace namin na malapit sa pool. Paniguradong nandoon si papa.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...