Read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction..
Clara's POV
HUMINTO yata ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Arman. "DADDY!" bumitiw sa pag kakahawak sa akin si Amara at alam kung tumakbo siya sa daddy niya.
Hindi ako lumingon habang ang mga kasama namin ay nakatingin kay Arman at sa anak namin.
Gusto kung lumingon sa kanila para makita ko ang mukha ni Arman pero baka bigla akong umatras sa pag alis at manatili nalang para makasama ang taong mahal na mahal ko.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Mabuti nalang naka dark sun glasses ako. Hindi mahahalata ng mga kasama ko na umiyak ako.
"Arman kailangan na nilang umalis" sabi ni Daddy.
"Oh paano baby aalis na kayo ni Mommy mag iingat ka doon at mag aaral nang mabuti" narinig kung sabi ni Arman.
"Opo Daddy wag ka mag alala bi-bisita ako lagi dito tuwing vacation" sumi-singhot na sabi nang anak ko.
"Yes baby I Love You" malakas na sabi ni Arman.
"I Love You Too Daddy lagi ka po tatawag ha? Tapos wag mag pa-pagod sa trabaho" bilin pa nang anak ko.
Narinig kung natawa si Arman. "Manang-mana ka talaga sa Mommy mo" narinig ko pang pahabol ni Arman bago nag paalam sa anak ko.
"TWINNIE?" napapitlag ako nang marinig ko ang boses nang kaibigan kung bakla/assistant kung si Viceral. "Bakit tulala kana naman?"
Naalala ko na naman yung nangyari 13 years ago bago kami umalis nang anak ko sa pilipinas. Huling beses kung narinig ang boses ni Arman. 13years na ang lumipas simula nang nag hiwalay kami at huli kaming nagkita pero ang anak niyang si Amara palaging nag babakasyon sa pilipinas. Hangang ngayon ang pamilya at kaibigan ko lang ang may alam na may kambal kaming anak ni Arman. "Bakit kaba nandito Viceral?" tanong ko sa kanya.
May inilapag siyang folders. "Kailan mo na po yang pirmahan Madam Clara Santiago the most famous fashion designer here in Paris, France" litanya ni Viceral.
Naging successful at sikat akong designer dito sa Paris at pag ma-may-ari ko din ang A&A's Empire. "Salamat Twinnie" binuklat ko na ang mga folders para basahin.
"Gusto ko lang ipaalala kaya na malapit na tayong lumipad papuntang Pilipinas next week kaya marami kapang trabahong ta-tapusin Madam"
"Ok fine saka nakakailang yang pa-madam-madam mo tigilan mo yang pag tawag sa akin nang ganyan"
"Opo ang sungit mo naman may period kaba o dahil wala pa ang iyong papalicious Boyfriend?" nanunuksong sabi ni Viceral.
"Hoy Viceral tigilan mo ako, mag trabaho kana diba marami tayong gagawin?" sabay taas ko nang isang kilay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
General FictionVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago
