Clara's POV
"HINDI po Ma'am ang huli niya po'ng punta nung nakasalubong niyo po siya"
"Ah, sige salamat" pinatay ko na ang tawag.
Hindi naman sa pinag duduhan kk ang asawa ko pero iba kasi ang pakiramdam ko sa Betina na iyon eh. Parang may gusto siya sa asawa ko yung malalagkit niyang tingin sa asawa ko.
Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit nag o-overnight nang madalas si Arman ang secretary na niya ang nag sabi na marami talagang trabaho.
"ARMAN!" napitlag naman si Arman nang sumigaw ako nang makita ko siyang aalis.
Napaharap naman siya sa akin. "Love?"
"Saan ka pupunta Arman? Lingo ngayon wag mo'ng sabihin na may meeting ka o overnight" naiiritang sigaw ko sa kanya habang lumalapit ako.
Para naman siyang natataranta. "Love may bibilhin lang naman ako sa labas eh"
Dinuro ko siya. "Siguraduhin mo lang Arman" inulit ko pa ang sinabi ko at dinuro siya.
Natawa naman ang asawa ko at mabilis na pumulupot ang mga kamay sa bewang ko. "Love may bibilhin lang ako hmmm" malambing niyang sabi.
Nangi-ngiti naman ako. "Oo na bilisan mo lang Arman ha? Magtatampo na talaga ako at ang anak mo"
Humalik siya sa akin. "Opo MommyLove ko sandali lang ako ayokong mag tampo ang maganda kung asawa at ang anak ko"
"Asus nambola pa, sige na umalis kana para makabili kana ng bibilhin mo"
Humalik siya sa akin. "Aalis na ako Love ko" humalik siya sa labi ko saka umalis na.
ILANG oras na kaming nag aantay ni Amara dito sa sala. Sa subrang tagal ang dami na naming selfie nang anak ko.
"Love" sabay kaming napatingin ni Amara kay Arman na parang may tinatago sa likod niya.
"Daddy!" hinila ni Amara ang Daddy niya. "Sama ka samin mag selfie ni Mommy"
"Opo sandali lang Baby may ibibigay lang si Daddy kay Mommy" biglang inilabas ni Arman ang pink boquet of roses sa kanyang likuran. "Para sa pinaka mamahal kung asawa" sabay abot sa akin.
Agad naman akong napangiti. "Salamat Love" inamoy ko pa ang bulaklak.
"Daddy yung akin po?" tanong ng baby namin.
"Sempre merun" sabay abot kay Amara nang box of chocolate
Tuwang-tuwa naman si Amara. "Salamat Daddy mag selfie na po tayo please"
Si Arman ang humawak sa camera naka kandong naman si Amara sa akin.
"One, Two, Three Smile" sabi ni Arman at nag Flash na ang camera.
"Yaaaay ang ganda Daddy Family picture po natin, isa pa po wacky naman"
"Oh sige" sabay naming sabi ni Arman.
Lahat kami sa picture naka-pout ang cute. Hangang sa dumami na rin ang picture naming tatlo.
"Daddy kakain na po ako Chocolate" kinuha na ni Amara ang Cellphone niya at sumalampak sa sahig dito sa sala sabay kain.
"Love may sasabihin ako sayo"
Humilig ako sa balikat nang asawa ko inakbayan niya naman ako. "Anu ba yung sasabihin mo?"
"Love gusto ko mag bakasyon tayo sa hacienda"
Tumingin ako sa kanya. "Oh sige ba kailan ba Love?"
"Next week. Miss ko na kayo kaya gusto ko mag bakasyon, walang trabaho at walang ibang tao kundi tayong tatlo lang ng baby natin"
"Oh sige Love, ay teka hindi ba makakaistorbo sa trabaho mo ang pag bakasyon natin" nag aalalang tanong ko.
"Hindi naman matatapos na ang bagong Company kaya hindi na ako masyadong magiging busy"
KANINA pa akong nag aantay sa pag uwi ni Arman. Ilang araw na rin kasing ginagabi si Arman sa pag uwi iniintindi ko nalang dahil one week din siya mawawala sa trabaho dahil sa bakasyon namin.
Nakarinig ako nang sasakyan at sigurado ako na si Arman na ang dumating. Tumayo na ako para salubungin siya. "Love"
Nagulat pa siya nang yakapin ko siya. "Love gising kapa pala" binuhat niya ako. "Umakyat na tayo, masyado nang gabi Love matulog na tayo"
Mabilis niya naman akong nadala sa kwarto namin at inihiga saka kinumutan. Nagbihis naman siya pagkatapos tumabi na sa akin. "I Love You Love" bulong niya habang nakapikit ako at dinampian niya nang halik ang noo ko.
Ngumiti ako. "I Love You Too Love" bulong ko at yumakap nang mahigpit sa kanya.
---
Arman's POV
"YES, alam ko Betina nag iingat lang naman ako ayokong mag duda ang asawa ko sa akin. Ilang lingo na akong palaging nasa condo mo"
"Ok, buwisit naman kasi iyang asawa mo"
"Wag mo ngang pag sasabibihan nang ganyan ang asawa ko, baka gusto mo na mag karoon ka na naman ng black eye" galit na banta ko sa kanya.
"Okay, Okay i'm sorry darling mamimiss lang kasi kita. One week kang mawawala"
"Babawi ako sayo pag nakauwi na ako" pag sisinungaling ko.
"Okay good night i mean good morning, I Love You"
Pagkababa ko sa Cellphone ko nag lakad na ako papasok sa bahay ng makarinig ako nang nabasag.
*Chaaaaaack*
-----
Thanks for reading.
Vote..
![](https://img.wattpad.com/cover/13817772-288-k244863.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
Fiction généraleVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago