Chapter 26

2.8K 50 0
                                    

Vote and Give me your Feedbacks, Suggestion, Dedication and opinions.

Clara's POV

"ARMAN!!!!" sigaw ko pa ulit hindi ko alam kung maririnig ako ni arman dahil nandito ako sa likod pero umaasa akong maririnig nya at mararamdaman.

Bawat pag lapat ng labi ng lalaking ito sa leeg ko nakakadiri, nakakakilabot at nakakatakot dahil alam kung hindi lang ang pag halik ang gagawin nya sa akin.

Nagipon ako ng lakas pero hindi ko pa rin sya natinag kahit na itulak ko sya ng ilang beses. Itinutulak nya lang din ako ng pulit ulit sa pader na nasa likod ko.

Napapagod na ang katawan dahil sa ilang beses na pag hampas sa pader sa tuwing itutulak ko sya. Nag landas ang mga luha sa mga mata ko ng walang tigil.

"ARMAN!!!!" namamaos na sigaw ko habang umiiyak at takot na takot.

"PUTANG INA MO!!!!" narinig kung sigaw ng papalapit sa amin at kahit wala na ako sa katinuan dahil sa halo-halong emosyon pero alam kung si arman yun.

Dali-dali nyang hinila ang lalaking nag nawalang hiya sa akin at pinag susuntok na paupo naman ako sa sahig.

Sa isang iglap lang nakita kung nakahiga sa sahig ang lalaki habang walang tigil na sinasaktan at sinasuntok ni arman.

"Anak!!!" napatingin ako kay mommy agad nya akong niyakap.

Pinigilan naman ni daddy si arman kasama ang daddy mismo ni arman at iba pang kalalakihan. "Putang ina mo papatayin kita" kumakawala si arman sa hawak sa kanya. "Bitawan nyu ako Putang ina"

Nakita kung galit na galit si arman at nagtatagis ang mga bagang habang kumakawala sa hawak ng mga pumipigil sa kanila. Ngayon ko lang nakitaang ganyan kagalit si arman na ako mismo ay natatakot sa kanya.

"Dalhin nyu na yan sa presinto" narinig kung sigaw ni daddy sa mga pulis dali-dali naman nilang binitbit ang lalaki.

"Putang ina mo mabubulok ka sa kulungan ASAWA KO PA ang winalanghiya mo" galit na galit na pahabol ni arman halos habulin nya pa ang lalaki habang bitbit ng mga pulis. "BITIWAN NYU AKO" sigaw ni arman napabitiw naman sila.

"Love" namamaos at mahinang tawag ko sa kanya.

Napatingin sya sa akin. Nakita ko sa mata nya na nawala ang galit at napalitan ng pag sisi. Bumitiw si mommy ng yakap sa akin.

Nakatingala ako kay Arman ng lumuhod sya sa harap ko at yakapin ako ng mahigpit. Napansin kung nag alisan lahat maliban sa pamilya ko at ni arman.

Gumanti ako sa yakap nya at isinubsub ang mga mukha sa dibdib nya doon ako umiyak ng umiyak. "I'm Sorry Love" paulit-ulit nyang sabi.

Kumalas ako sa yakap. "Walang kang kasalanan salamat sa pag ligtas arman"

Idinikit nya ang noo nya sa akin. "Asawa kita at poprotektahan kita sa lahat ng bagay" maingat nya akong binuhat sa mga braso nya.

"OBSESSED sa iyo ang lalaking iyon Sis sya yung mga nag papadala ng regalo at kung anu-anu na hindi namin binibigay sayo dahil baka matakot ka" inis na sabi ni allisson.

Pagkatapos akong iuwi ni arman at makapag bihis nandito na lahat ng pamilya ko. Lahat nag aalala at napaparamdam na concern sila.

Magulo pa rin ang isip ko dahil sa mga nangyari at sa bilis ng nangyari. "Anak ok kana ba?" tanong ni mommy sa akin.

Tumango lang ako sa kanya habang nakatingin sa mga kamay ko sa aking kandungan. Nanginginig pa rin sila.

"Paano ba nakapasok ang lalaki na yun sa party?" nagtatakang tanong ni mama

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon