Clara's POV
Nagising ako sa iyak ng anak ko. Dali-dali naman akong tumayo para lapitan ang anak kong nasa crib.
Binuhat ko ang anak ko at agad ko ding pinadede. Three months na si Amara. Hindi ako nagtatrabaho dahil ako mismo ang nag aalaga sa anak ko ayoko naman kasi na paalagaan lang ang anak ko.
"Love?"
Napapitlag ako ng may yumakap sa akin galing sa likuran habang buhat ang anak ko na nagulat din kaya medyo dumilat. " Oppps" dahan-dahan gumalaw si Arman sa likod ko para mapatulog ulit ang baby namin para tuloy kaming sumasayaw.
"Love natulog na ulit ang baby natin"
"Opo Love ihihiga ko muna sya sa kanyang crib" bumitiw si Arman sa akin at nailapag ko na ang anak namin sa crib nito.
Humarap ako kay Arman. "Love may sasabihin ako sayo" hinila nya naman ako sa kama para mahiga ulit.
Madaling araw palang naman. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib ni Arman. "Naisip ko lang na pabinyagan na natin si Amara malaki na naman siya eh"
"Ok lang naman Love mas maganda nga yung mag karoon na ng blessing ang baby natin"
"Kaya nga po! Oo nga pala may dinner sa bahay kasama ang relatives namin Love" paalala ko.
"Oo Love naalala ko pupunta tayo dun para naman makilala ko ang ibang kamag anak mo"
"Oh matulog na muna tayo Love may trabaho kapa bukas"
------
"Mommy?" tawag ko kay mommy pagkadating namin sa mansyon nandun na rin ang mga ibang kamag-anak namin pati ang family ni Arman nandito rin.
Agad naman kaming sinalubong ni Mommy at nakipag beso. "Lalo yatang lumaki si Amara" puna ni Mommy sa anak ko na hawak ni Arman. "Oh tara na sa loob excited nang makita ng kamag-anak mo si Amara"
Pagpasok palang namin sa mansyon nakipag kamustahan at kwentuhan na kami sa mga kamag-anak ko. Hangang sa mag dinner na kaming lahat.
Nakakandong si Amara sa akin nandito na kami sa sala ngayon kasama ang ibang kamag-anak. Si Arman naman kausap ng ibang pinsan ko.
"Kailan ba ang binyag nyang si Amara Clara?" tanong ng isang tita ko
"Next week na po tita, dadalhan ko nalang po kayo ng invitation"
"Hi everyone" narinig namin sigaw sa may pintuan at agad kaming napatingin doon nakita namin si Allisson na subra nang malaki ang tiyan dahil kabuwanan na nya. Kasama nya ang kanyang asawa na si Dave.
"Oh Allisson bakit ngayon lang kayo?" tanong ni mommy habang nakikipag beso si Allisson.
"Eh mama si Allisson po kasi kanina ayaw mag punta" si dave na ang sumagot naupo naman si allisson sa tabi nya.
"Eh nag dinner naba kayo?"
"Tapos na din po"
"Ay! Sis pahiram naman ako ng maganda kung pamangkin" pinabuhat ko naman kay Allisson si Amara.
"Bakit ngayon napapunta kayo?" tanong ko.
"Bigla kasing nag aya. Hangang ngayon kasi parang nag lilihi pa yang si Allisson ang gulo pa rin" hindi maipinta ang mukha ni Dave.
Nakakatawa siguro nahihirapan din siya lalo pa iba ang ugali ni Allisson. "Naku Dave tiyaga lang manganganak na naman yang Asawa mo eh"
Nagulat ako ng biglang umiyak si Amara kaya agad ko syang kinuha kay Allisson. "Love? Anung nangyayari?" medyo nag aalalang tanong ni Arman kinuha niya si Amara na tumahimik naman ng bahagya naupo siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
Fiksi UmumVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago
