Chapter 46

2.1K 43 1
                                        

Read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction.

-----

"CLARA?" nakangiting sabi ni Arman at kinuha niya ang mga kamay ko para igiya sa gitna ng garden kung saan naroon ang lamesa na tinututukan nang spotlight. Habang ang nilalakaran namin at naka redcarpet.



Napatingin ako sa kapaligiran may mga nakasinding kandila na nag sisilbing liwanag sa kapaligiran. "Clara?" pinag hila niya ako nang upuan. Naupo naman ako agad.



Umupo rin siya sa katapat kung bangko. "Tinulungan ako nang mga anak mo para gawin ang surprise na ito"



"Kaya pala excited na excited"



"Happy Valentines" sabay angat niya ng kanyang glass wine.



"Happy Valentines din" at nakipag cheers ako sa kanya sumimsim lang ako ng kaunti sa glasswine.



Pumitik naman sa hangin si Arman at nakita kung pumasok ai Austin na may tulak-tulak na cart at may laman pagkain. Naka bowtie pa ang anak ko parehas nang damit nang Daddy niya.



"Austin!" gulat na bulalas ko at kumindat lang siya sa akin.



"Here is your order Ma'am, Sir" inilapag niya ang paborito kung steak. "Aalis na po ako" paalam niya at hinila na niya ang kanya tulak sabay kindat sa akin.



Natawa naman ako. "Kumain na tayo Clara" aya ni Arman



"Steak na ngayon hindi na adobo" biro ko sa kanya.



"Naalala mo pa pala, para maiba naman. Music intro"



Napatingin ako sa dalawa kung anak na si Amara at Atasha na may bitbit na violin. Ngumiti sila sa akin.



"Clara kain nang kain" puna ni Arman.



Narinig kung tumugtug na ang mga anak ko. All Of Me ang tunutugtog nila.



"Naalala mo pa yang kanta na yan?"



"Oo naman nuh, iyan yung kanta na kinanta mo nung nag set up ka mg dinner sa garden sa bahay natin noon eh"



Puro nangyari sa nakaraan ang napag usapan namin ni Arman. Pagkatapos namin kumain natapos na rin tumugtog ang mga anak ko.



Mabilis naman akong lumapit sa dalawa kung dalaga at niyakap. "Ang galing ng mga anak ko. Manang mana sa akin"



"GroupHug" sigaw ni Arman at yumakap na rin ang anak namin na si Austin na sumulpot kung saan.



Nagulat nalang ako nang umalis ang mga anak namin sa pagkakayakap kaya kaming dalawa ni Arman ang nagkayakap.



"Ooooy Ang sweet" sabay na sigaw nang mga anak namin.



Kaya napabitaw kami sa isat-isa at nag tawanan naman ang mga bata.



"Mommy Family Picture"



Umakbay si Arman sa akin habang nasa unahan namin ang mga anak namin at sabay-sabay kaming ngumiti sa pag flash ng camera sa tri-pad.



"AY baklang kabayo" hiyaw ko nang may biglang yumakap sa akin galing sa likuran. Narinig ko namang tumawa si Arman. "Arman pasaway ka bitiw na" bumitiw naman siya sa akin. Nagulat ako nang humarap ako sa kanya.



Ngiting-ngiti habang may hawak na boquet of pink roses. "For you"



Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti habang inaabot mga bulaklak. Mabilis niya naman akong hinapit habang inaamoy ako mga bulaklak. "Arman naman" maktol ko.



Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon