Chapter 11

2.5K 65 0
                                    

Clara's POV

Maaga akong lumabas ng opisina. Naglalakad na akong papunta sa basement kung nasaan ang parking lot.

"Good afternoon ma'am" bati sakin ng mga empleyadong nadadaanan ko.

Tumango lang ako. Pag dating ko sa basement hinanap ko agad ang driver namin.

"Manong paki drive naman ako sa company ni arman. alam mo ho ba yun?" tanong ko agad kay manong pag pakita ko sa kanya.

"Opo ma'am palagi kaming nag pupunta ni sir dun" pinag buksan nya ko ng pinto sa backseat.

Dali-dali na akong pumasok. Naisipan ko lang mag punta kay arman para bumisita.

Upang mapag usapan ang nangyari nung huli namin pag kikita.

Maya-maya lang nakita ko na ang company ni arman malapit lang pala sa company namin.

Pinasok na agad sa VIP parking lot ang sinasakyan ko. Nakita ko agad ang blue ferari ni arman.

Pinagbuksan ako ng pinto ni manong. "Salamat manong balik kana sa company tatawagan nalang kita kapag papasundo na ako" sabi ko pag kababa ko ng sasakyan.

"Ok po ma'am"

"Manong alam mo ba ang floor ng opisina ni arman?" tanong ko dahil first time ko lang naman ang mag punta dito

"Hindi ko po alam ma'am, siguro tanong nyu nalang dun sa security"

"Ahh sige manong mauna na ako" naglakad na ako papalapit dun sa security. "Excuse me" tawag pansin ko kay manong security dahil tulaley sya sakin.

"Good afternoon ma'am" bati nya agad sakin. "What can do for you ma'am?" dugtong pa ni manong.

"Uhm where can i ask the office floor of arman?"

"Sir arman the Ceo?" tumango ako. "Ma'am there's a reception in the ground floor you can ask the receptionist where is the office floor of sir arman" sagot nito.

"Thank you" Pasalamat ko at ngumiti na bago naglakad papunta sa elevator.

Ako lang mag isa sa elevator. Nag bukas agad ang elevator sa ground floor.

Pagkalabas ko may mga nakita akong empleyado na nakatingin sakin.

Hindi ko sila pinansin at nag diretso sa receptionist.

"Good afternoon ma'am what can i do for you?" tanong sakin ng receptionist pag lapit ko.

"I want to ask where is the office floor of arman?" nakangiting tanong ko.

"Ma'am do you have a appointment to sir?" balik tanong nya sakin.

"No i dont have i came here to visit him" sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Ma'am pasensya na po kailangan po kasi may appointmet kayo bago ko ibigay ang floor ni sir"

"Bakit hindi mo pwedeng ibigay sakin yung floor ni arman?" naiinis na tanong ko.

Hindi ba ako kilala ng babae na ito.

"Im so sorry ma'am"

"I am his fiance miss" nasabi ko nalang bigla nakakainis nag punta ako dito tapos hindi pala ako makakapasok.

Nanlaki ang mata ng kausap ko. "Ma'am wait" may tinawagan ito sandali at humarap ulit sakin. "Ma'am im sorry number 47 po ang floor ni sir"

"Thank you" ngumiti na ako sa kanya nawala na din ang pag kainis ko.

Naglakad na ako sa elevator at pinindot ang 47. May mga nakasabay ako sa elevator. Naiilang ako dahil tinitingnan nila ako.

Ngayon lang yata sila nakakita ng maganda?

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon