read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction.
-----
Clara's POV
"HINDI ko alam, masaya naman ako kapag kasama ko siya, komportable pa rin naman ako, kinilig pa rin ako sa mga banat niya pati na rin sa pagiging concern niya sa akin"
"Ikaw lang naman ang makakasagot niyan Sis" tumayo na siya. "Sa tingin ko mahal mo pa rin siya" sabi niya bago ako iwan.
"BUSY?" nagulat ako sa pag sulpot ni Arman.
Nandito kasi ako sa garden dahil ito na yata ang paborito kung lugar sa bahay ni Arman dahil nakakarelax dahil kapag nasa loob ako nang bahay yung mga anak ko naman maiingay. "Arman naman wag mang gugulat"
"Sunday ngayon pero trabaho pa rin"
"Nagbabasa lang naman ako ng mga e-mails" sabi ko sabay balik sa pagbabasa
"Alam mo kailangan mo mag Relax masyado kanang pinapagod nang trabaho mo pag uwi mo palagi kana lang pagod"
Sinarado ko ang laptop at humarap sa makulit na si Arman. "Anu naman ang magagawa mo para makaoag relax ako?" pang hahamon ko sa kanya.
"Anu nga ba?" nilagay niya pa ang hintuturo niya sa sentido niya at tumingala habang kunyaring nag iisip.
"Ang cute mo" sabay pisil ko sa ilong niya.
"Aray naman" sabay hawak sa ilong niya. Natawa naman ako sa kanya. "Tinatawanan mo pa ako" mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
Nagulat naman ako sabay hampas ko sa braso niya ngiti-ngiti naman siya sabay lapit ulit sa akin at sa labi niya naman ako dinampian nang halik. "Arman!" sigaw ko.
Lumayo naman siya sa akin habang tumatawa. "Bakit?" nang aasar na sabi nya.
Tumayo ako mabilis naman siyang tumakbo. "Nakakainis ka" sabay habol ko sa kanya nahabol ko naman siya napayakap ako nang ma-out of balance kami.
"Woah!" sigaw ni Arman pagbagsak namin sa damuhan nasa ilalim ko siya. Tatayo na sana ako nang hapitin niya ako. "Can we stay still?"
Tumingin ako sa kanya. "Hindi kaba nabibigatan sa akin?" umayos ako nang pagkakadagan sa kanya.
"Hindi naman" sabi niya at pumukit.
Kusa namang gumalaw ang kamay ko para himasin ang Kanyang nakapikit na mata, ang matangos niyang ilong at mapula niyang labi.
Inihilig ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at pumikit na rin habang dinadama ang malakas niyang tibok nang puso.
"Mommy?"
Napatayo ako agad sa pagkakahiga kay Arman at kahit hilo-hilo pa ako sa biglang pagtayo ay inayos ko ang sarili ko nang mapansin na nasa likod ni Amara ang mga magulang ko na ngi-ngisi ngisi sa akin. "Mommy! Daddy!"
"Napadalaw lang kami anak para kamustahin kayo dito" -Mommy
"Mom, Dad sa loob po tayo" nauna naman silang mag lakad.
Nauna na rin silang naupo kasunod kami. "Amara paki sabi naman sa maid natin na maghanda ng meryenda" tumango ang anak ko at sumunod.
"Momzy! Popzy!" Sigaw nang kambal at agad na humalik at yumakap sa magulang ko sa tabi na rin nila naupo ang dalawa pati na rin si Amara.
"Kamusta naman kayo dito?" -Mommy
"Okay naman kami dito Mommy hindi naman po kami pinapabayaan ni Arman" sagot ko.
"Kamusta naman kayong dalawa?" -Daddy
"Ha?" Nalilitong tanong ko.
"Kayong dalawa? Kung maayos kayo" medyo natatawang ulit ni Mommy
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
General FictionVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago