Chapter 17

2.6K 60 0
                                    

Clara's POV

"Hmmm" ungol ko ng may maramdaman akong magagaan na halik sa leeg ko.

"Love you have to wake up" sabi nya habang hinahalikan pa rin ang aking leeg.

Nakikiliti naman ako. "Ok love huminto kana" sabi ko at dumilat.

*Tsup* Hinalikan nya ako sa labi ng mabilis. "Mamasyal muna tayo" aya nya

Napangiti ako agad. "Sige po" naupo na ako sa kama.

"Ok mauna na akong mag shower" halik ulit sa labi ko.

PAGKAPARADA ni arman kotse agad nya akong pinag buksan. "Love?" nakangiti at inilahad ang kanyang kamay.

Agad ko naman tinangap ang kanyang kamay. "Thanks"

Naglakad kami ni arman na mag kahawak ang kamay. Ramdam na ramdam ko naman na simula na ito ng aming honeymoon.

"Love?"

Itinaas ko ang tingin sa mukha nya kanina ay nakatingin sa kamay namin. "Bakit?" Natatanaw ko na din ang Eifell Tower. Ang ganda talaga ng structure na yun kahit ilang beses na ako nag punta dito namamangha pa din ako. "Love gusto ko sa Eifell Tower tayo" dugtong ko.

"Dun ko nga sana balak eh, naunahan mo ako"

Umakyat kami hangang sa topfloor ng tower ni arman. Pag katingin ko sa baba halos kasing liit na ng mga langam ang sasakyan, tao at mga kung anu-anu pa.

Naramdaman ko ang yakap ni arman sa akin mula sa likuran, inilagay nya ang kanyang baba sa aking balikat. "Love look at the sun rise" sabi nya habang niyakap ang kamay sa may tyan ko.

Napatingin naman ako sa araw. Kitang kita ang pag lubog nito lalo na't nandito kami sa top ng tower. "Ang ganda love" manghang sabi ko.

Ang kulay orange na paligid ay unti-unting nag kukulay blue at dumidilim ang paligid.

Kasama ko ang taong mahalaga sa akin. Nakayakap ng mahigpit sa akin habang nanunuod ng magandang tanawin.

"Love" sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo nya.

Nakita ko naman sa baba ang Fountain. Iba-iba ang kulay at sumasayaw sa isang kanta.

Ngayon ko lang napanuod yun dito at napakaganda talaga nya nakikita ko ang bawat pag galaw ng tubig na ibat-iba ang kulay.

Nang matapos ang fountain show iniharap ako ni arman sa kanya. "Love?"

"Oh?"

*tsup* sabay ngiti ng pilyo sakin. "Hungry love?"

Bigla naman akong nagutom. Nakalimutan ko yata ang gutom dahil sa mga magandang tanawin at dahil sa kasama ko. "Oo"

*tsup* hinalikan na naman nya ako, saka hinawakan ang kamay ko at nag lakad na kami pababa.

PAGKAUPO namin ni arman agad na syang nag order. Habang nag iintay naman ako ng order tiningnan ko ang Eifel Tower ulit.

"Love picture tayo" untag sa akin ni arman

Tumingin naman ako sa kanya at saka ngumiti. "Sige love remembrance ng ating honeymoon"

Nakita ko naman na nilabas na ang kanyang CP at saka kami nag picture.

First Shot Smile

Second Shot Wacky

Third Shot Nag picture kami na kita ang backround na Eifel Tower.

Fourth Shot Naka kiss sya sa pisnge ko habang ako ay nakangiti.

Fifth shot na aking ikinagulat dahil bigla nya akong hinalikan sa labi sabay ng pag kuha ng picture sa amin.

"Love naman ang daming nakakita sa atin" nahihiyang sabi ko.

Yung iba kasi nakita kaming nag kiss at yung iba naman nag salita ng 'sweet couple'.

Inakbayan nya ako. "Mag asawa naman tayo love at nasa honeymoon pa" sabay kindat.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at saktong dating ng pag kain. Dahil gutom na ako agad na akong kumain sumunod naman si arman.

"Love saan mo pa balak mag punta pagkatapos natin kumain?" tanong nya habang kumakain.

"Uhm magikot-ikot muna tayo love"

"LOVE" untag ko kay arman na nag mamasid sa paligid. Pag katapos kasi namin kumain nag lakad lakad na kami.

"Oh? Gusto mo pa nito?" alok nya sa akin ng pagkain na binili nya habang naglalakad lakad kami.

Kumagat naman ako. "Love ang sarap nung macaroons nila nuh?" ang dami kung nakain na macaroons dahil masarap talaga.

Napagod na nga kami kakalakad kaya naupo muna kami sa mga bench. "Love ang cute mo dito sa yakap mo ang Eifel Tower" natatawang sabi ko.

Tumitingin kasi ako ng mga pictures namin habang kumakain ng macaroons. "Hindi lang ako cute love gwapo pa" mayabang naman na sabi nya.

Tumawa lang ako at tuloy pa rin sa pag kain. "Love pahingi naman ako ng macaroons" napatingin ako sa kanya. Naka pout pa parang bata.

"Love naman kunti nalang to eh" kunyaring sabi ko at tinago ang macaroons.

"Ang damot" nakangusong sabi nya at sumimangot. Parang batang naagawan ng candy.

Humagikgik ako. "Eto na po love oh! Say ahhh"

Nagliwanag naman ang mukha nya at ngumanga. "Sarap love"

Humarap sya sakin at pinaharap nya ako sa kanya. Inilagay ang mga kamay sa mag kabila kung pisnge.

Hinalikan nya ako sa noo, pababa sa tungki ng ilong at huminto sandali para himasin ang pisnge ko nag ngitian kami bago nya ako hinalikan sa labi.

"Thank you Love" sabi nya pagkatapos ng halik.

"Welcome" ngumiti ako sa kanya.

PAGKADATING namin sa bahay parang hindi ako napagod kaya pagkatapos ko maligo at magsuot ng aking night gown habang naliligo si arman pumunta ako sa kusina at nag luto ng popcorn.

"Love?" Pumasok ako sa kwarto namin dala-dala ang bowl of popcorn inilapag ko ito sa center table sa aming mini sala sa loob ng kwarto, malaki naman kasi ang kwarto.



<3

A/N: May part two pa po yan. Nacut kasi ehh.

Vote and Comment

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon