Chapter 27

2.4K 68 1
                                    

Vote and Give me your Feedbacks, Suggestion, Dedication and Opinions.

Clara's POV

UNTI-unti at kusang nag landas ang mga luha sa mga mata ko dahil sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig ko at hinawakan ng mahigpit ang mga bitbit ko dahil sa tingin ko mabibitawan ko sila.

Ako ang dapat sumurpresa pero baliktad ang nangyari ako ang nasurpresa sa nakikita ko ngayon.

Nakikipag halikan si arman sa loob mismo ng opisina nya habang nakakandong ang babae sa kanya at nakapulupot ang mga braso sa leeg nya.

Para akong sinaksak ng ilang beses sa nakikita ko. Patuloy lang ang mga luha ko sa pag patak. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang makita ang panloloko ng asawa ko.

Dahan-dahan akong umatras at naglakad palayo sa opisina ni arman hangang sa makarating ako sa sasakyan ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. Nanlalabo ang mga mata ko dala ng mga luhang nag uunan sa pag landas sa mga pisnge ko.

Nang makasakay ako dali-dali kung pinatakbo ang sasakyan. Hindi alintana kung gaano kabilis ang pag papatakbo ko at kung paano pa ako nakarating ng ligtas sa bahay.

Pagod na pagod kung binagsak ang katawan sa sofa at nag patuloy sa pag iyak. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko akalain na magagawa nya pa akong lokohin, halos ilang buwan na kaming mag kasama.

-------

Arman's POV

"Betina" inilayo ko sya sa akin. Saka ko pinunasan ang mga labi ko.

Napaka laking pagkakamali ang nagawa ko. Hindi dapat ako nag padala sa tukso.

"Anu bang problema mo arman?" maarteng sigaw sa akin ni betina habang nakayakap sa akin.

Pinipilit ko naman syang lumayo sa akin at tinutulak. "May asawa na ako betina kaya pwede ba lumayo ka sa akin" naitulak ko na sya dahil sa inis ko sa pag yakap-yakap nya sa akin

"Pwede ba arman alam kung ako ang mahal mo" nakangisi nyang sabi sa akin.

"Inaamin ko OO dati minahal kita betina pero ngayon hindi na dahil iniwan mo ako betina iniwan mo ako" sigaw ko sa pag mumukha nya

Nanlaki naman ang mga mata nya. "Arman bumalik na ako para sayo" sabay yakap ulit sa akin

Itinulak ko ulit sya. "Sa tingin mo mahal pa kita? Hindi na betina kasal na ako at MAHAL KO ANG ASAWA KO kaya layuan muna ako" pag kasabi ko nun tinalikuran ko na sya.

Bigla syang kumapit sa balikat ko. "Arman hindi ako naniniwala sayo alam kung mahal mo pa ako" naluluhang sabi nya

Winaksi ko ang kamay nya. "Hindi na betina dahil may higit pa sayo. Yun ay ang asawa ko kung minahal kita noon. MAS MAHAL KO SYA KAYSA SA PAG MAMAHAL KO SAYO" sigaw ko sa pag mumukha nya.

Naglakad na ako ng mabilis palabas ng opisina ko. Pag kasakay ko sa sasakyan pinaharurot ko agad ang sasakyan pauwi.

"LOVE" tuwang tuwang sigaw ko ng makita ko ang asawa ko sa sofa habang nakatingin sa bukas na television.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at humalik agad sa pisnge nya. *PAK* nagulat ako ng bigla nya akong sampalin.

Mag sasalita na sana ako ng makita ko syang umiiyak. Kaya nataranta ako. "Love anung problema? Bakit mo ako sinampal?" naguguluhang tanong ko

Humarap sya sa akin. Nakita ko ang galit sa mata nya at ang pag tatagis ng mga ngipin nya. "Akala mo ba hindi ko mahuhuli ang kalokohan mo arman?" galit na sigaw nya sakin

Lalo akong naguluhan sa nasabi nya. "Anu? hindi kita maintidihan clara?"

Tumulo na ang mga luha nyang pinipigilan nya. Sinubukan kung punasan ang mga luha na yun pero pinalis nya lang ang kamay ko. "Nag mamaang-maangan ka pa ha? arman akala mo ba hindi ko nakita ang pakikipag halikan mo sa ibang babae ha? arman napaka walang hiya mo" pinag papalo na nya ng mga kamay nya sa dibdib ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahuguluhan ako kaya niyakap ko nalang sya patuloy lang sya sa pag palo sa dibdib ko habang yakap ko at patuloy na umiiyak. "Binigay ko sayo lahat arman bakit hindi mo ako kayang mahalin arman. Mahal na mahal kita"

Inangat ko ang mukha nya at pinigilan ang mga braso nya. "Mahal na mahal din kita clara, mahal na mahal yung nakita mo sa opisina natukso lang ako"

Natahimik naman sya sa sinabi ko. "Hindi ako naniniwala sayo arman sinungaling ka!" sinampal nya pa ako ng isang beses saka nag patuloy sa pag hagulgul.

Hindi ako gumalaw nabitiwan ko rin ang mga hawak sa kamay nya. Bigla syang tumayo at tumakbo papuntang kwarto.

Sinundan ko naman sya. Naabutan ko syang nag papasok ng mga damit nya sa maleta. Ang ginawa ko naman habang nag papasok sya inilalabas ko ulit ang inilalagay nya.

"Anu ba arman aalis na ako. Iiwan na kita niloko mo ako arman niloko mo ako" sigaw nya sa akin habang patuloy na umiiyak

"Clara mahal na mahal kita. Wag mo akong iwan clara hindi ko kaya mahal na mahal kita" bigla akong napaluhod sa harap nya at biglang tumulo ang mga luha ko.

Nanatili syang tahimik napahinto sya sa pag eempake. Hinawakan ko ang isang kamay nya. "Give me another chance love?" Hindi sya sumagot tanging hikbi nya lang naririnig ko mula sa kanya. "Please, I'm begging you Clara"

<3

A/N: Thank you for the votes, reads and comment subra ko pong na-aapreciate yun. Bilang lang sa mga kamay ko ang nag ko-comment at nag vovote pero subrang thanks po talaga. inspiration na para sa akin yun.

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon