Chapter 28

2.7K 62 3
                                        

Vote and Give me your Feedbakcs, Suggestions, Dedication and opinions.

Clara's POV

"Please Clara, I'm Begging you" ulit nya habang nakatalikod ako sa kanya at hawak nya ang isang kamay ko.

Unti-unti akong humarap sa kanya nakita ko syang nakaluhod. Hindi ko na alam kung para saan pa ang mga luha ko dahil wala na akong maramdaman ngayon kundi saya. Baliw na kung baliw pero masaya ako lalo na sa mga naririnig ko mula sa lalaking mahal na mahal ko.

Umangat ang mukha nya at nakita ko ang mga luha sa pisnge nya. Nagulat ako kaya't agad kung hinawakan ang mukha nya at pumantay ako sa kanya. "I love you" iyan ang unang lumabas sa bibig ko

Bigla naman nag liwanag ang mukha nya sa narinig nya. Pinunasan ko ang mga luha nya. Kinuha nya ang isang kamay ko at hinalikan ito. "Mahal na mahal kita clara natakot man akong sabihin sayo dati dahil natotorpe ako pero ngayon ipag sisigawan ko pa na MAHAL NA MAHAL KITA MRS. CLARA SANTIAGO ANTONIO" nakangiting sabi nya.

Natawa naman ako. "Mahal na mahal din kita arman" Sya naman ang nag punas sa mga luha ko.

"I'm sorry dahil napaiyak kita. Mahal kita clara matagal na MAHAL NA MAHAL" sabay halik ng mabilis sa labi ko.

Napangiti ako ng malapad. Bumalik na ang pilyo kung asawa. Tumayo ako. Nagulat sya ng bitbitin ko ang maleta. Napangiti ako ng lihim ng makita kung nag kandarapa sya sa pag tayo. "Love saan ka pupunta diba peace na tayo?" natatarantang sabi nya habang inaagaw ang maleta sa akin na mahigpit kung hawak.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko at natawa ako ng malakas. Napakunot naman ang noo nya. "Love naman isusuli ko lang itong maleta" nakangiting sabi ko

Napahinga sya ng malalim at inagaw ang maleta. "Wag muna ulit hahawakan ito. Kinakabahan ako eh. Ako na ang mag liligpit ng damit mo"

Napangiti nalang ako ng makita ko kung gaano nya kabilis naibalik ang mga damit ko ng maayos sa lalagyan nya talaga. Kabisado na talaga ng asawa ko ang closet.

Lumapit sya sa akin at yumakap sa bewang ko. "I love you" bulong nya sa akin saka nya ako binuhat papuntang kama.

"I love you too" pumikit na ako habang nasa ibabaw ko sya.

Bumaba na sya sa ibabaw ko at nahiga sa tabi ko sabay yakap sa akin ng mahigpit. "I love you Love"

Humarap ako sa kanya. "I love you too" Nagulat ako nang makita na nagungilid ang mga luha nya. "Anung problema love?"

Ngumiti sya. "Masaya lang ako dahil ikaw ang napangasawa ko at ikaw ang minahal ko. Mahal na mahal kita clara"

Pinunasan ko ang mga luha nya at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita"

--------

"Sis?!" napatingin ako sa sumigaw si allisson lang pala. "Anu ba naman Clara Santiago my dearest twin sister nakikinig kaba sa meeting kanina? Aba sis kanina pa kita tinitingnan para kang naka druga, nakangiti tapos wala sa sarili ay jusko naman Clara umayos ka hindi porke't nakatikim kana ng hmmm magkakaganyan kana" litanya nya sa akin

"Pwede ba allisson tigilan mo ako sa pag lilitanya mo. Nakikinig ako sa meeting nuh! Masaya lang talaga ako kaya ako nakangiti. Saka hindi ako nag dudruga nuh baka ikaw" sabay duro ko sa kanya.

Tumayo sya at tumingin sa akin ng masama. "Ay! Ewan ko sayo bahala ka ng sa buhay mo para kang baliw. Mag kita nalang tayo sa ibang meeting" tumalikod na sya at nag punta sa pinto pero humarap pa ulit. "Sana lang ha? SANA lang sa susunod na meeting matino kana" sabay labas ng conference room.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap sa secretary ko na nakangiti lang sa akin. "Parang tanga yung kapatid ko nuh? Kung anu-anu pinag sasabi" natatawang sabi ko.

Napatawa naman ang secretary ko kaya tiningnan ko sya ng maigi. "Ma'am tama naman po kasi yung sinasabi ni ma'am allisson napansin ko din po kayo kaninang meeting eh, Parang wala kayo sa sarili nyu ang lapag pa ng ngiti nyu. May naintindihan po ba talaga kayo sa meeting ma'am?"

Nag isip ako. "Wala kaya nga nandyan ka para kapag masama ang pakiramdam ko may taga report ako" palusot ko at nag lakad na palabas pabalik sa aking opisina.

Nag babasa nalang ako ngayon report na aking secretary tungkol sa lahat ng meeting na nangyari kanina dahil wala talaga ako sa sarili ko.

Naiisip ko pa rin ang mga salitang sinabi sa akin ni arman. Yung mahal na mahal nya ako subrang nakakakilig. Teenager lang ang peg ko.

*Ring-ring*

Napapitlag ako sa gulat ng mag ring ang Cellphone ko. Iniisip ko pa ang moment namin ni arman eh. Dali-dali kung kinuha ang Cellphone ko at tiningnan ang tumatawag. Napangiti ako agad ng si arman ang tumatawag.

"Hello Love" malambing kung sagot sa asawa ko.

"Love umuwi kana agad kailangan kita" mahinang sabi nya.

Nataranta naman ako at napatayo agad sabay bitbit ng cellphone ko. "Love anung nangyayari pauwi na ako mag intay ka lang" nag madali na akong maglakad.

"Love bilis" biglang naputol ang linya.

Tiningnan ko ang cellphone ko namatay ang tawag ni arman. "Shit" pag kababa ko agad akong sumakay sa sasakyan ko.

Sinubukan kung tawagan si arman pero nakapatay na ang cellphone nya. Lalo akong kinabahan sa baka anu na ang nangyayari sa asawa ko.

Pag kahinto ng kotse ko sa harap ng gate namin hinanap ko agad ang guard namin pero wala doon. 8pm na ng gabi at madilim na sumilip ako sa bahay namin pero madilim din sa loob.

Bumaba ako sa sasakyan habang hawak yung maliiy na dagger sa kaliwa kung kamay habang sa kabila naman ang cellphone.

Pumasok ako sa gate namin subrang dilim wala man lang postlight. Napapikit ako. May phobia ako sa dilim pero kailangan kung gawin 'to para sa asawa ko.

Gamit ko lang ang ilaw ng cellphone ko papasok sa bahay pag kahawak ko sa doorknob binuksan ko yun agad at napanganga at nashock sa nakita ko.

<3

A/N:Next Chapter

Thank you po sa mga nag boboto.

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon