Read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction
---
Arman's POV
"CLARA!" untag ko sa kanya dahil nag patuloy lang siya sa pag iyak habang hindi makatingin sa akin.
"Clara anu ba?" Pinag tama ko na ang mga mata namin.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. "Clara?"
"Buwisit ka!" Mahinang sabi niya sa akin.
"Anu?" Nagtatakang tanong ko naman.
"Buwisit ka Arman" sabay palo sa dibdib ko pinabayaan ko lang siya hangang sa mapagod niya ay humilig sa dibdib ko.
Agad ko namang niyakap ang mga kamay ko sa kanya. "Clara?"
Tumingala siya sa akin. "Bakit mo ako sinasaktan?"
"Anu?"
"Palagi kayong naglalandian nang Sandra na yun" sabay palo ulit sa dibdib ko. "Naghahalikan pa kayo, selos na selos ako. Akala ko wala akong pakialam pero nag seselos ako" sigaw niya pa sa akin at lalong umiyak.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. "Clara mahal kita, mahal na mahal" natutuwang sabi ko habang nakatingin sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.
"Mahal? Pero nakikipag landian ka dun sa babaeng yun" parang batang sabi niya at pinunasan ang luha niya.
"Clara alam mo ba yung pag sasama namin ni Sandra tina-try lang niya kung gaano kita kamahal dahil hindi ako natukso sa kanya katulad nalang ng paghalik niya sa akin. Pinagseselos kalang niya"
"Anu?" Malakas na sigaw niya.
"Clara naman, pinag seselos kalang niya kanina alam niyang dadaan ka kaya hinalikan niya ako" paliwanag ko.
"Selos na selos talaga ako" parang nag mamaktol na sabi niya.
"Eh di ibig sabihin mahal mo pa rin ako?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Anu naman ang nakakatawa at nakangiti ka?" Mataray niyang sabi
"Wala, aminin muna kasi na mahal mo pa rin ako"
Bigla siyang umalis sa pag kakayakap ko at lumayo sa akin sabay irap.
Lumapit ako sa kanya ay niyakap ko ulit ang mga kamay ko sa bewang niya. "Clara umamin kana, ako mahal na mahal kita"
Tumingin siya sa akin. "Oo Arman mahal na mahal kita" sabay iyak ulit at yakap sa akin. "Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw at ikaw pa rin talaga ang mahal ko" namumulang sabi niya sabay subsub nang mukha sa dibdib ko.
Natawa naman ako. "Love bakit namumula ka?" Tanong ko nang maiangat ko ang mukha niya.
Pinunasan niya ang luha niya saka ngumiti sa akin. "Buwisit ka kasi eh"
Hindi na ako nag aksaya nang oras at agad ko na siyang binuhat, nagulat naman siya pero nag pabuhat rin.
Pag pasok namin sa Villa wala na ang anak namin. "Ayos toh'" bulong ko.
Nag dire-diretso ako paakyat habang buhat ko si Clara na tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Arman saan mo ako dadalhin?" Tanong niya agad nang mapansin niya na lumagpas kami sa kwarto niya.
Nginisian ko lang siya at nag patuloy sa pag lalakad. "Arman ibaba mo ako" pag piglas niya pero hinigpitan ko lang ang hawak sa kanya.
Sinipa ko ang pinto nang kwarto ko at nag bukas. Ni-lock ko muna bago ko ihiga si Clara sa kama.
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
Ficción GeneralVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago
