Chapter 41

2K 39 0
                                    

Arman's POV

DALI-DALI akong pumasok sa bahay nang marinig ko ang ingay nayun. Kinakabahan din ako dahil baka si Clara yun at narinig niya ang pinag usapan namin ni Betina.



"Love?" nakita ko si Clara na nakaupo sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kanya at nakita ko na nag dudugo ang paa niya binuhat ko siya at iniupo sa sofa. "Anung nangyari?"



"Eh Love nagising ako wala ka sa tabi ko bumaba agad ako para hanapin ka nabanga ko naman yung base"



Mabilis kung kinuha ang medicine kit at nilinis ang sugat niya. "Masakit ba Love?" sabi ko habang tinatapos ang pag linis nang sugat niya.



"Hindi naman mahapdi lang, kaya pakibilisan Love"



"Oh tapos na, halika na bubuhatin na kita. Alam ko mahihirapan kang mag lakad ngayon pero bukas magaling na iyan" pang-aalo ko sa asawa ko na tahimik lang habang buhat ko.



Inihiga ko na siya sa kama. "Love nakita kita may kausap ka sa Cellphone sino kausap mo? Madaling araw na ah" nagtatakang tanong niya.



Tumabi na ako sa kanya at niyakap siya. "Si Betina Love lasing eh, ako ang natawagan at iyak ng iyak" palusot ko.



"Eh, Love wala ba'ng asawa yung si Betina at ikaw ang inaabala niya"



"Love hindi ko nabangit sayo na matagal ko nang kaibigan si Betina kaya ako ang tinawagan niya"



"Ah ok matulog na tayo Love antok na ako eh"



Nagi-guilty na ako sa pag si-sinungaling ko sa asawa ko. Yung mga overnight ko si Betina palagi ang kasama ko dahil sa gusto niya akong makasama. Aaminin ko na nag enjoy ako sa secret affair namin ni Betina pero si Clara pa rin ang mahal ko.



Ang dami kung kasalanan at kasinungalingan kay Clara. Tulad nalang nung nag overnight ako at tumawag siya sa secretary ko.



Flashback

"Sir tumawag po sa akin si Ma'am at tinanong niya kung mag overnight kayo"



"Anung sinabi mo?"



"Na merun po kayong overnight at nag tanong din po siya tungkol kay Ma'am Betina"



"Anu naman ang sinagot mo?"



"Isang beses lang po nag punta dito si Ma'am Betina"



"Good, makakaalis kana"



End of flashback.



Gusto kung bumawi sa asawa ko at gusto ko na rin malaman niya ang mga katarantaduhan na ginagawa ko. Alam kung mahihirapan ako pero gagawin ko na ang tama. Ayokong mawalan ng asawa at anak.



----

Clara's POV



"LOVE" napatingin ako nang humawak si Arman sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Matulog ka muna Love mahaba pa ang biyahe natin"



Papunta na kami sa hacienda nila Arman siya ang nag da-drive katabi niya ako at nasa likod naman si Amara. "Ayos lang ako Love hindi naman ako inaantok. Saka para may makausap kana din habang nasa biyahe nang hindi ka antukin"



"Hindi naman ako aantukin Love umaga palang kaya"



"Daddy gusto ko po ng french fries yung sa MCDO po"



Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon