Arman's POV
"Payag na ako" para akong nang hina tatlong salita na sinabi ko na yan. Dahil diyan mag sisimula ang panloloko ko sa asawa ko.
Sa asawa ko na mahal na mahal ko na hindi ko kayang mawala sa buhay ko pati na rin ang anak ko. Alam kung mali pero hindi ko kaya na malaman ni Clara ang katangahan na nangyari.
Napatingin ako kay Betina nang tumawa siya na parang demonyo. "Arman Darling" lumapit siya sa akin at pumunta sa likuran ko sabay yakap pumiglas naman ako. "Darling susundin mo lahat nang gusto ko dahil may pinang hahawakan ako sayo"
Tumayo ako at hinawakan nang mahigpit ang mag kabilang braso niya. Nakita ko naman na nasaktan siya at wala akong pakialam. "Tandaan mo Betina hinding hindi ako magiging iyo, katawan ko lang ang magiging iyo dahil hinding hindi kita mamahalin" sabay tulak ko sa kanya.
"Subukan mo lang akong saktan ulit Arman, i have a number of your wife"
"Damn you!"
"I Love You Too" nang iinis na sabi niya.
Hinila ko ang balikat niya. "Tandaan mo Betina kabit kalang at walang makakaalam nang relasyon nating ito. Naiintidihan mo?" hinigpitan ko ang hawak sa balikat niya.
"Oo, bitiwan mo nga ako. Pag ako nag kapasa dahil sa mga hawak mo sa akin mawawalan ka nang asawa at anak" madiin niyang sabi. "Tatawag ako sayo kapag kailangan kita" hinalikan niya ako pero hindi ako tumugon. "Tumugon ka Arman lahat nang gusto ko susundin mo" Hinalikan niya akong ulit doon na ako tumugon pinabayaan ko siya hangang sa mag sawa siya. "I have to go bye darling" sabay ngiti sa akin.
Pagkalabas niya sa opisina ko agad kung pinunasan ang labi ko na parang diring-diri sa sarili kung labi. "Putang Ina!!!" galit na galit na mura ko at saka hinawi lahat nang nasa ibabaw nang table ko. "Ang tanga-tanga mo Arman" gigil na gigil na sabi ko saka ko sinuntok ang salamin kung table.
Wala na akong pakialam kung mag dugo man ang kamay ko wala akong ibang nararamdaman kundi galit sa sarili ko dahil sa katangahan ko kailangan kung mag tiis kay Betina at kailangan kung lokohin ang asawa ko.
Hindi ako handa na mawala ang asawa ko, hindi ako handa na sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Betina at ang mga mang yayari pa.
"Ayusin mo opisina ko, aalis na muna ako" pagkasabi ko nun sa secretary ko agad na akong umalis.
-----
Clara's POV
"Mommy?" napatingin ako sa anak ko na bumababa sa hagdan namin at nag punta sa akin.
"Baby bakit gising kapa? Masyado nang gabi ah" tanong ko sa anak ko habang naka kandong sa akin.
"Mommy nagising po ako. Wala ka po sa kwarto. Wala din po si Daddy"
"Wala pa si Daddy baby, baka maraming trabaho sa opisina" kanina pa ako nag aalala dahil hindi tumawag si Arman sa akin at nalaman ko pang maaga siyang umalis sa opisina tinatawagan ko siya pero patay ang cellphone niya.
"Mommy matulog na tayo baka po gabihin pa si Daddy" aya niya.
Nakatulog na si Amara ako naman hindi makatulog kaya bumaba ako ulit. Hindi ako mapakali habang nag aantay kay Arman masyado nang malalim ang gabi at hindi ko pa rin siya makontak.
Biglang narinig ko ang ingay nang sasakyan ni Arman kasunod ang malakas na pagbukas nang pinto nakita ko ang asawa kung pasuray-suray ang pag lalakad. Mabilis ko siyang sinalubong at inalalayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/13817772-288-k244863.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
General FictionVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago