Clara's POV
Nakakailang sukat na akong damit dito sa closet ko hangang sa makita ko ang isang pinaka babagay sa akin na red cocktail dress.
Sinuot ko na ito agad at humarap sa salamin. Napangiti ako agad simple lang ng red dress hapit ito sa katawan ko kaya kitang kita ang hubog ng katawan ko. Off shoulder din ito hangang sa taas ng tuhod ko.
Inilugay ko ang buhok ko mas lalo akong naging presentable nag apply din ako ng red lipstick ayun lang ang make-up ko.
Nag spray ako ng perfume sa leeg ko. Inayos ko ang buhok kung hangang balikat ko lang.
Ngumiti ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Satisfied na ako sa itsura ko kaya kinuha ko na ang purse ko na red din at isinuot ko na ang 3inch heels ko na kulay red din.
Ngayon lang ako naging Fashionable. Fashionable talaga ako pero simple lang pero ngayon parang naging si allisson na ako.
Bumaba na ako at nakita ang magulang ko at si allisson na pinupuna pa ang fashion ng aking mommy pagkatapos yung kay daddy naman ang inayos ayos.
"Bakit ang ingay at ang gulo nyu mommy, daddy at allisson?" tanong ko pag kalapit ko sa kanila.
"Ehhh panu naman sis inayos ko lang naman ang mga suot ng ating parents para mas gumanda" sagot ni allisson
Tumango lang naman ang parents ko at ngumiti sa akin.
"Teka nga" biglang sigaw ni allisson na ikinagulat ko lumapit sa akin si allisson at binaling baling ang mukha ko. "Grabe twinnie anyare mas gumanda ka yata, ang sexy at bonga mo teh" eksaheradang sabi ni allisson sakin.
"Tama anak mas maganda ka kapag ganyan ka" si daddy at ngiting ngiti
"Manang mana ka talaga sakin anak napaka ganda" si mommy at lumapit sa akin at umakbay
"Ang sabihin nyu mommy nag paganda talaga yan para kapag nakita sya ni arman magustuhan sya" natatawang sabi ni allisson
Mahinang hinila ko ang hibla ng buhok nya. "Aww. My hair ang hirap kaya mag blower sis" ganyan si allisson maarte minsan
"Ang dami mo kasing sinasabi eh ang daldal mo busalan ko yang bibig mo eh" mataray na sabi ko
"Ohhh awat na ayan na naman kayo pag tatalo pero mauuwi lang sa harutan. Tara na baka malate pa tayo" aya ni daddy sa amin nauna na din syang mag lakad sumunod si mommy.
Naglakad na din ako ng kumapit sa braso ko si allisson. Napatingin ako sa kanya at kumindat lang ang loka-loka.
Pag karating namin sa hotel nag diretso na kami agad sa resturant.
"Oh kumpadre nandyan na pala kayo maupo na kayo" bati ng kasing tanda ni daddy sa amin
"Pasensya na at na late kami na-traffic kami" si daddy
Pagkaupo ko napansin ko ang gwapong lalaki na katabi ni mrs.antonio pero hindi yun si arman.
"Kumapadre pasensya na late si arman na ipit daw sa traffic maya-maya nandito na din sya. By the way si ramon bunsong anak ko" pakilala ni mr.antonio sa gwapong lalaki
"Ikaw dalawang gwapong lalaki ang anak ako pare dalawang magandang babae" si daddy. "Eto nga pala si clara at allisson" sabay turo sa amin ni allisson.
"Hi po good evening tito, tita and ramon" masiglang sabi ni allisson habang nakangiti
"Good evening nice meeting you tita, tito and ramon" bati ko at ngumiti
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
General FictionVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago