Read my The CEO's Slave(CharDawn)
-----
Arman's POV
"MOMMY! DADDY!" hindi ko binitiwan ang labi ni Clara hangang sa itinulak niya ako kaya napahiwalay ako sa kanya mabilis naman siyang tumakbo palabas ng kitchen.
Ngi-ngiti-ngiti akong tumingin sa anak kung si Amara na tumabi sa kinauupuan ko. "Bakit gising kapa? Diba tulog kana nang iniwan kita"
"Nagising lang Dad, teka nga Daddy ikaw" sabay ngisi ni Amara. "Nagkiss kayo ni Mommy"
"Nag kiss nga kami, nakita mo nga eh" natatawang sabi ko at hinawakan ko ang labi ko.
"Daddy para kang baliw. Mahal mo pa si Mommy?" seryosong tanong niya.
"Hindi naman nawala ang pag mamahal ko sa Mommy mo kahit iniwan niya ako eh"
"Daddy gusto kung mag kabalikan kayo ni Mommy sigurado ako na mas sasaya si Atasha at Austin. Gusto ko din maranasan nila na magkaroon ng buong pamilya"
Hinimas ko ang buhok niya. "Dalaga na talaga ang panganay ko, mas iniisip ang mga kapatid"
"Daddy kahit naman na minsan nag aaway kami nila Atasha at Austin mahal na mahal ko yung mga yun. Ako ang ate nila eh at gusto ko na maranasan nila ang naranasan ko noon nung hindi pa kayo nag hihiwalay"
"Anak mahal na mahal ko pa ang Mommy niyo kaya gusto ko siyang ligawan"
"Daddy manliligaw ka ulit kay Mommy?"
"Oo naman, teka nga may naisip akong plano eh"
"Anu naman yun Dad?"
"Ayain mo ang Mommy mo na mag bakasyon kahit two days lang tapos isasama mo ako. Ako na ang bahala sa panliligaw ko" sabay kindat ko sa anak ko na natawa lang.
"Oh sige Daddy bukas na bukas sasabihin ko kay Mommy, dito kaba matutulog Daddy?"
"Uuwi ako wala na akong matutulugan dito apat lang ang kwarto sakto sa inyu, sa bahay natin dati anim ang rooms"
"Oh sige Daddy mag iingat ka po sa pag da-drive" humalik siya sa pisnge ko.
Niyakap ko ang dalaga namin ni Clara bago ako umalis.
---
Clara's POV
"ANUNG kinakain niyo?" malakas na tanong ko kahit kitang-kita ko naman na chocolates ang kinakain nilang tatlo.
"Mommy chocolates po you want?" sabay abot sa akin ni Atasha ng Chocolate bar.
"Naman diba sinabi ko sa inyu na wag na kumain ng chocolates baka masira yang mga ngipin niyo" naiinis na sabi ko sa kanila na patuloy lang sa pag kain.
Yumakap sa akin si Austin na kahit seryoso at suplado sweet na sweet naman sa aming tatlo. "Mommy ngayon lang po kami kumain ng chocolate iinom naman po kami ng maraming gatas at mag to-toothbrush"
"Oh sige na nga hindi ko naman kayo matitiis eh. Kayo talaga" sabay halik ko sa mga pisnge nila natawa naman sila. "Nag breakfast naba kayong tatlo?"
"Hindi pa po Mommy" sagot nilang tatlo.
"Okay ipag luluto ko kayo" nag lakad na ako papuntang kitchen malakas akong napasinghap nang may nakita akong bulto nang lalaki.
Lumingon si Arman naka long sleves at pantalon niyang pang pasok sa opisina. "Clara kanina pa ako nandito at ako na ang nag luto nang breakfast natin" tumalikod ulit siya sa akin. "Matatapos na nga ako eh"
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
Fiksi UmumVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago
