Arman's POV
NATULAK ko si Betina nang malakas kaya napasalampak siya sa sahig. Napatayo ako habang gulat na gulat na nakatingin may Clara na nasa pintuan.
Naluluha siyang nag pa-palipat nang tingin sa aming dalawa ni Betina. "Love it's not what you think" natatarantang sabi ko.
"Napaka walang hiya mo Arman" sabay lapit niya sa akin at malakas na sampal sa pisnge ko ang binigay niya. Tumulo na ang luha niya.
"Mag papaliwanag ako Clara" pilit ko siyang hinahawakan pero lumalayo siya.
"Wala kanang ipapaliwanag Arman nahuli ko na ang kalokohan mo" galit niyang sigaw sa akin habang patuloy sa pag-iyak.
"Tama ka, nahuli at nakita muna ang pang-loloko nang asawa mo. Matagal na kaming may relasyon nang asawa mo kapag umuuwi siya nang gabi sa bahay ko siya galing akala mo ba dahil galing siya sa tra—"
"Tumigil ka Betina" pag putol ko sa sasabihin ni Betina
"Totoo naman ang si—"
"Tumigil kana malanding babae" hinarap niya ako at sinampal ulit. "Maghiwalay na tayo" pag kasabi niya nun lumabas na siya sa opisina ko.
Agad-agad ko naman siyang hinabol pero nakasara na ang elevator napasuntok nalang ako sa pinto ng elevator. Pag pasok ko sa opisina ko agad kung hinawi lahat ng gamit sa ibabaw nun.
"My gosh" napatingin ako sa tumili.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang mag kabilang balikat niya napapiksi siya at alam kung nasasaktan at wala akong pakialam. "Ikaw ang may kasalanan nang lahat ng ito" malakas ko siyang binitawan at halos matumba na siya. "Wag na wag kana mag papakita sa akin. Mapapatay talaga kita Betina"
Mabilis akong umalis sa opisina ko at pinaharurot ang sasakyan ko pauwi. Pag dating ko sa bahay mabilis akong umakyat sa kwarto namin at nakita kung nag e-empake si Clara nang mga damit niya.
"Clara mag pa-paliwanag ako" pinigilan ko siya sa page-empake.
"Pwede ba Arman hindi muna ako mapipigilan, pangalawang beses na ito Arman sawang-sawa na ako" sinarado na niya ang maleta at ibinaba sa kama.
Lumuhod na ako saka niyakap ang mga binti niya. "Clara napilitan lang akong gawin yun" naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Wala akong pakialam, bahala kana sa buhay mo Arman. Kukunin ko ang anak natin hindi mo siya mapapalaking tama" bigla siyang sumipa kaya napabitiw ako sa kanya.
Mabilis akong tumayo at naabutan siya sa pinto niyakap ko siya. "Love hindi ko kayang mawala kayo sa akin" pag mamaka-awa ko.
"Pwes simula ngayon kayanin mo'ng mabuhay nang wala kami dahil hinding-hindi ako babalik sa iyo" tinangal niya ang kamay ko at saka umalis.
Napaupo nalang ako sa tabi nang pinto at pinag susuntok ang pinto habang patuloy sa pag iyak.
----
Clara's POV
"HIJA" naupo ako sofa nang hinang-hina habang patuloy na umiiyak. "Anak anu ba ang nangyari bakit may dala kang maleta?" si Mommy.
"Anak mag salita ka naman" si Daddy
"Mommy, Daddy nasan ang anak ko?"
"Natutulog sa kwarto mo"
"Mommy mag hihiwalay na po kami ni Arman"
Gulat na gulat naman ang mukha nang mga magulang ko. "Bakit?" sabay nilang tanong.
"May kabit po si Arman Mommy nahuli ko po sila sa opisina" hunahagulgol na sabi ko.
"Tahan na anak" niyakap ako ni Mommy.
"Ako na ang bahala sa annulment papers niyo" biglang sabi ni Daddy.
"MOMMY" napatingin ako kay Amara na nasa pinto nang kwarto ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas. "Aalis po ba talaga tayo?"
Tumabi siya sa akin agad ko naman siyang niyakap. "Kailangan anak gusto ko munang lumayo sa Daddy mo, sorry anak kung ilalayo kita sa Daddy mo"
"Mommy okay lang naman ako eh basta hindi kana po iiyak"
"Hayaan mo baby ko bibisitahin ka naman ni Daddy eh" tiningnan ko ang anak ko na nag iisang alala ni Arman sa akin.
"Mommy umiiyak kana naman po, baka po makasama sa baby natin iyan eh" sabay pahid sa luha ko.
Napangiti ako hinawakan ko ang tiyan ko nalaman kung buntis ako kaya masayang-masaya ako. Ilang beses din sinubukan ni Arman na makausap ako pero hindi ko pinayagan hindi rin ako nag papakita sa kanya.
Pagkatapos namin mag empake nang aking anak. Mabilis na kaming bumaba nandun ang mga kapatid ko at ang dalawa kung BFF na may alam na aalis ako ngayon at ang anak ko. Halos lahat sila mangiyak-ngiyak.
"Anak mag ba-bakasyon kami ni Mommy mo kapag malapit kana manganak" sabi ni Daddy.
"Sis ingat ka doon ah, bibisitahin ka namin doon" sabay yakap sa akin ni Allisson
"BFF wag ka mag aalala bi-bisitahin ka namin doon ng pamangkin mo na si vina" sabay yakap sa akin ni victoria at vina na anak niya.
"BFF mag ba-bakasyon din ako para bisitahin ka at mag hanap ng parener na papa" biro ni Janneth kahit naiiyak din. Natawa naman kaming lahat.
"Ang aga niyo namang umiyak lahat eh, ihahatid niyo pa po ako sa airport"
-----
Arman's POV
"ARMAN?" napaayos ako nang upo nang marinig ang boses ni papa sa kabilang linya.
"Papa bakit po?" agad kung tanong baka may nang yaring masama sa mag ina ko. Wag naman sana.
"Ngayon ang alis nila Clara papuntang France pumunta ka sa airport para makapag paalam sa anak mo pero hinding-hindi ka lalapit kay Clara"
"Opo papa papunta na po ako dyan" pinutol na niya ang linya.
Mabilis na akong pumunta sa basement ng company building namin at pinaharurot papuntang airport ang kotse ko.
Nung una hindi ako makapag trabaho nang maayos bumagsak at nawalan ng investors ang ibang company ko. Nagbalik lang ako sa pag ta-trabaho nang makita ko ang anak ko at naisip kung kailangan kung ituloy ang buhay para sa anak ko.
Nag hiwalay man kami ni Clara mabait pa rin sa akin ang magulang at kapatid niya. Ang masakit lang hindi ako makalapit kay Clara at hindi ko siya makausap.
Pag pasok ko sa airport agad kung nakita ang anak ko na buhat ng tito Brian niya habang nakatalikod naman ang pwesto ni Clara sa nilalakaran ko.
Unti-unti akong nag lakad pa-palapit kay Clara at sa anak kung lumapit na sa kanya.
"C—Amara" wala akong lakas ng loob para tawagin ang asawa ko—ang dati kung asawa.
----
Thanks for reading. VOTE...
Read my other CharDawn fanfiction story The CEO's Slave just go to my profile click the works and another click to my story The CEO's Slave and another click to add to your library or reading list or chuvaness list..Thank you... Mwuah tsup tsup... ahihihi..
![](https://img.wattpad.com/cover/13817772-288-k244863.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
Ficção GeralVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago