Chapter 10

2.3K 62 2
                                        

Clara's POV

Nang gigil na ako ng makita ko na halikan ng babae si arman. Napatayo ako at hinila ang buhok nung babae.

"Clara" gulat na sigaw ni allisson.

Hindi naman ako biyolente kaya alam ko na gulat na gulat sya sa ginawa ko.

Hawak ko pa rin ang buhok ng  babae at pinatayo ko sya mas matangkad naman ako sa kanya.

Gulat na gulat naman si arman habang ang babae ay nakahawak sa buhok nya.

"What the hell?" binitiwan ko na ang buhok ng babae. "Who are you bitch?" dinuro nya ako.

"Why do i have to tell you my name?" mataray na sabi ko. "You! Who are YOU to kiss my husband?"

Nanlaki ang mata nya. "WHAT? Arman is your husband? your pathetic"

"Oh? i mean my soon to be husband" matalim na tiningnan ko sya.

Nakatulala lang naman ang iba samin na parang nanunuod.

"Who are you to say that YOU are the fiancee of arman?" tining nya ako mula ulo hangang paa.

"WHO are you?" sigaw ko sa kanya.

"Oh you dont know me? i am the most in demand model here in the country. The most famous model of SCL" mayabang na sabi nya sakin. "Eh IKAW who are you?"

"Well, I am CLARA SANTIAGO the OWNER of SCL"

Bigla syang natulala at namutla. Napaka smirk naman ako siguro namukhaan na nya ako.

"So, I guess you know me?" sarcastic na sabi ko. "If you don't want ME to ruin your career and your image. STAY. AWAY. FROM. MY. FIANCEE" may diin na sabi ko.

Napapadyak naman sya sa inis sakin kahit na namumutla sya sa takot. Saka nag martsa palabas ng VIP room.

Narinig ko naman na nag palakpakan ang tao sa loob maliban lang kay arman na nakatulala sakin.

Kinuha ko ang bag ko. "Allisson let's GO" Sigaw ko kay allisson.

Agad naman syang napatayo nag simula na akong maglakad. Hindi ko tiningnan o nag paalam man lang kay arman.

"Clara" narinig kung sigaw ni arman na humahabol sa aming dalawa ni allisson.

Hindi ko sya pinansin at nag mamadali ako mag lakad hinila ko na si allisson.

"Clara" paulit ulit na sigaw ni arman.

Tumakbo na ako hila si allisson. Pag dating namin sa parking lot nag mamadali akong buksan ang sasakyan.

Naibagsak ko nalang ang susi ng may humawak sa kamay ko at alam ko kung sino yun.

Hinila ako ni arman paharap sa kanya. "Clara bakit mo ako iniwan at tinakbuhan?" galit na tanong nya.

"Ikaw pa ang galit?" mas galit na sabi ko.

"Paanong hindi ako magagalit kung tinatakbuhan mo ako ng ganito" bakas ang pagtataka sa mukha ni arman. "Bakit kaba nagagalit sakin?" dugtong pa nito.

"Arman masyado kang maraming babae" sinalubong ko ang mga mata nya ng tingin. "Nakakapagod kung paulit-ulit na mang yayari yung nangyari kanina kapag kasal na tayo. Alam ko hindi dapat ako umaarte ng ganito dahil arranged lang naman ang kasal natin" yumuko ako.

Pakiramdam ko maiiyak ako sa subrang inis sa isipin na maulit at mauulit ang nangyari kanina.

"Clara im sorry" binitawan nya ako.

"Hindi ko alam kung kaya kung tumagal sayo arman. Mahirap mag isip at nakakapagod kung alam kung hindi lang naman ako ang babae sa buhay mo" mahinang sabi ko.

"Ikaw ang pinili kung pakasalan. Handa na akong iwan ang pagiging babaero ko para sayo. Ayokong lokohin ka dahil gusto na kita clara" masuyong sabi nya.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan kita arman" kinuha ko ang susi ko saka binuksan ang sasakyan at umali sa lugar na yun.

Nakita ko sa salamin ang malungkot na mukha ni arman habang nakatanaw sa salamin.

Bakit ko ba nagawa yun? aaminin ko na nasasaktan ako sa mga isipin na hindi lang ako ang babae sa buhay nya.

Gusto ko na sya. Nasa kanya na ang atensyon ko sa kanya lang ako naging ganito kalapit, kasweet at ka-concern.

Pag karating namin sa bahay bumaba na ako agad at naunang pumasok.

"Sis?" narinig kung tawag sakin ni allisson.

"Wag ngayon allisson" pagod na sabi ko.

Para akong napagod dahil lang sa pag uusap namin ni arman kanina. Gusto ko ng matulog nalilito ako sa nangyari.

"Anu ba nangyayari sayo?" hinila ako ni allisson at pinaharap sa kanya. "Hanga ako sa ginawa mo dahil pinag laban mo si arman tapos bigla kang nag kaganyan. Anung problema mo? sa tingin ko naman IKAW ang pinili ni arman nakita mo kanina kung gaano sya nag mukhang tanga sa pag habol sayo? kung paano sya nalilito at kung paano sya nalungkot ng talikuran mo sya?" seryosong sabi ni allisson.

"Pwede ba allisson ayokong sagutin ang mga tanong mo. Pagod na ako kaya gusto ko nang mag pahinga" pagod at mahinang sabi ko.

"Bahala ka clara" tumalikod na sya sakin at nag lakad. "Ngayon ko napatunayan na mabait si arman lalo na sayo dahil nakikita ko sa mata nya na masaya sya sayo at mahalaga ka sa kanya" dugtong nya habang nag lalakad.

Nag simula na rin ako sa paglalakad habang iniisip ang mga sinabi ni allisson.

Inaamin ko na nasaktan ako at natakot mga isipin na madali akong mapalitan sa dami ng babae na naghahabol kay arman.

Hindi ko naisip na napaka swerte ko pala dahil ako ang pinili nya para mapangasawa nya at ako ang gusto nya.

<3

A/N: ayyy sad. may maliit lang silang problema.

read my other story The Back-Up Plan

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon