Chapter 49

2.7K 54 0
                                        

Read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction

----

Clara's POV

"May aaminin ako sayo" seryoso niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko.

"Anu ba yun at napaka seryoso mo?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Mahal pa rin kita Clara"

"Ha?" Yan lang ang nasabi ko sa pag kabigla.

"Clara wala akong intensyon na kung anu man, gusto ko lang malaman mo na mahal kita, na mahal na mahal pa rin kita Clara ikaw lang at wala nang iba"

"Arman hindi ko alam naguguluhan ako, oo aaminin ko masaya ako kapag kasama kita. Ngayon hindi ko alam kung mahal kita o naguguluhan lang ako" naluluhang sabi ko.

"Shh Clara ayokong guluhin ka hindi naman kita pinipilit na mahalin mo rin ako ulit basta hayaan mo lang akong mahalin ka" tumango ako. "Tahan na" sabay pahid sa luha ko.

"Nagulat kasi ako sa sinabi mo kaya nalilito ako Arman, mag papahinga na ako" tumayo na ako. "Mag pahinga kana rin wag kanang uminom"

Ngumiti naman siya. "Oh sige, sabay na tayong pumasok" sumabay siya sa akin.

  "GOOD morning Mommy" bati sa akin nang mga anak ko pag pasok ko sa dinning hall.

Naupo ako sa tabi ni Amara. "Nasan ang Daddy niyo?" Tanong ko habang nag sasalin nang pagkain.

"Umalis na po si Daddy may aasikasuhin daw po siya" sagot ni Atasha.

"Okay kumain kayo nang marami"

"Mommy may pasok ka po ngayon?" -Austin

"Wala naman anak bakit?"

"Natanong ko lang po" sabi niya sabay kain ulit.

Kumain na rin ako habang nag uusap kami ng mga anak ko nang kung anu-anu.

"GOOD morning nang bongang-bonga" sigaw ni Allisson nang makapasok sa bahay.

Pinagbuksan siya ni Amara. Kasunod niya naman ang kanyang apat na bagets. Pati narin ang parents namin, si brian at si jennice.

"Ang ingay mo Allisson, mauna na kayo. Nga pala Mom, Dad bakit nandito po kayong lahat?" Sabay tingin ko kay Dave na pinaka huling pumasok at tumabi sa asawa.

"Succesful kasi ang fashion show ng company kaya mag bi-beach tayo" -Daddy

Tumili naman ang anak kung si Atasha. "Gora kami dyan Papzy, im so exzoited"

Natawa naman sila sa pinag sasabi nang anak ko. Lagot talaga sa akin si viceral kung anu-anu tinuturong salita sa anak ko. "Kailan po ba yan Dad?"

"Ngayon na Sissy kaya mag empake na kayo" -Allisson

"Ngayon ilang araw po ba tayo doon Daddy?"

"Two days, one night" -Mommy

"Okay" bumaling ako sa mga anak ko. "Mag empake na kayo mga anak"

"Mommy ikaw na po tumawag kay Daddy para makasama siya" sigaw ni Amara habang umaakyat.

"Anu pa ginagawa mo Clara mag empake kana rin habang tinatawagan si Arman"

Napatingin naman kami nang bumakas ang main door. "Bakit anung nang yayari?" Tanong agad ni Arman.

"Kuya ang OA aalis tayo pupunta tayong beach" sagot ni jennice sa kuya.

"Ah ganun ba, kasama ba sila Mommy?" Bigla siyang tumingin sa parents ko. "Good morning po Ma,Pa"

"Good morning din, yes kasama ang parents mo pati na rin ang kapatid mo'ng si Ramon at pamilya niya" -Mommy

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon