Chapter 31

2.6K 60 2
                                    

Vote give me your Feedbacks, Suggestion, Dedication and opinions.

Clara's POV

NAPATINGIN ako kay allisson. "Hindi ko alam" sagot ko sa tanong nya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Eh kasi nahihilo ka ehh, baka buntis kana Sis madalas naman kayo mag chukchak diba?" natatawang sabi ni allisson.

Kinurot ko naman sya sa tagiliran. "Baliw ka talaga allisson, besides my period is irregular so hindi ako sure at baka sa subrang pagod lang o kaya sa gutom kaya ako nahihilo" paliwanag ko.

"Ok fine! saan nga pala tayo dadaan?"

"Sa grocery po, bibili ako ng gummy bears at sahog sa aking lulutuin"

"SIS" napatingin ako kay allisson na nasa harap na ng lamesa at kumakain na ng niluto ko. "Ang sarap ng luto Sis ahh" sabay subo ulit.

Napatingin ako sa hinain ko sa kanya. Kakahain ko lang pero mauubos na nya agad ang takaw talaga ng kapatid ko. "Oo kaya nga mauubos muna agad ehh. Ang takaw mo" tinapos ko na ang pag aayos ng pag kain namin ni Arman naisipan ko kasi na doon na rin kumain kasabay nya.

"Ewan ko sayo Sis basta gutom ako" Ngumunguyang sabi ni allisson.

Sinukbit ko na ang bag ko at hinawakan ang paper bag na may lamang pag kain namin ni arman. "Allisson ikaw na ang bahala dito ha? aalis na ako. Linisin mo yang pinag kainan mo" bilin ko sa kapatid ko na halatang busy sa pag kain.

"Oo Sis alis kana baka nang babae na naman si Arman" nakangising sabi nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin at nag peace sign lang sya. "Wag mo akong inisin allisson"

"Opo ate" ngumiti na naman sya at nagpatuloy sa pag kain.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang kapatid ko sa pisnge. "Alis na ako allisson yung bahay ha?" paalala ko pa kahit may security naman kami.

Tumango lang sya. Naglakad na ako palabas sa kusina at nag diretso sa parking area kung saan nag aantay ang driver namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto at sumakay na agad.

"Sa opisina po ni Arman manong"

Pagkarating namin sa opisina ni Arman dali-dali na akong bumaba sa sasakyan at nag lakad papunta sa elevator. "Good evening Ma'am" bati sa akin ng security tumango lang naman ako.

Pag kasakay ko sa elevator diretso na ako sa office floor ni Arman. Napansin kung wala na ang secretary nya sa kanyang pwesto.

Nagdiretso nalang ako sa office ni Arman pag kabukas ko ng pinto nakita ko doon ang gwapo kung asawa na nakaharap sa kanyang laptop at diretso sa pag ta-type. Hindi ako napansin.

Pumasok na ako ng diretso at tumikhim napatingin sya sakin. Ngumiti ako sa kanya. Tumayo sya at agad na lumapit sa akin. "Love?" sabay halik sa labi ko.

"Hmmmmm" ungol ko sa labi ng asawa ko. Kumalas na ako sa halik ni Arman. "Love nag dala ako ng dinner natin"

Nakayakap pa rin ang mga kamay nya bewang ko at nakatitig sa akin. "Love buti naman at nag dala ka ng dinner natin gusto kitang kainin este yung pagkain" nakagising sabi nya.

Pinisil ko ang ilong nya. "Napaka pilyo Arman mag hain kana lang" kumalas ako sa yakap at inabot sa kanya ang pagkain.

Mabilis nya naman tinangap yun at nag hain. Inayos nya ang upuan namin. "Love pwede kana maupo"

Naupo naman ako. "Kain na tayo gutom na ako" aya ko.

"Love ikaw ba ang nagluto nito?" tanong nya habang sumusubo ng pag kain.

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon