read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction.
-----
Clara's POV
"BYE hon" sabi ko pag kabitiw ko sa halik sa akin ni Ramon.
"Good bye, susunduin ko kayo bukas nang mga bata" paalam niya at sumakay na sa sasakyan. Hinintay ko munang makalabas ng gate ang sasakyan niya bago ako pumasok.
"Arman?" tawag ko kay Arman nang makita ko siyang pumasok galing sa garden.
Napatingin naman siya sa akin. "Oh kadarating mo lang pala, tulog na ang mga bata"
"Oo napahaba ang kwentuhan namin ni Ramon eh"
"Sabay na tayong umakyat. Inaantok na ako eh, may trabaho pa bukas"
"Oo" sumabay na ako sa kanya sa pag akyat.
"May pasok kana ba sa opisina bukas?" tanong niya sa akin.
"Merun na pero ire-re-schedule ko nalang ang meetings ko may lakad kami nila Ramon eh, isasama ko ang mga bata. Okay lang ba sayo?"
"Oo naman, okay lang"
"SIS?" napatingin ako kay Allisson na kakapasok lang sa opisina ko.
"Bakit?" tanong ko at balik ang tingin sa Laptop. Pagbalik ni Ramon sa France nag trabaho na agad ako. One week din siyang nag stay kaya hindi ako nakapag trabaho dahil puro gala ang inasikaso namin kasama ang mga bata at ngayon tambak ang trabaho ko.
Naupo naman siya sa sofa habang kandong ang kanyang bunsong anak na si Violet. "Sabi kasi nang mga anak mo doon daw mag dinner ang mga anak ko. Alam mo ba yung tungkol doon?"
"Hindi, walang nababangit sa akin ang mga anak ko. Okay lang naman sa akin bahay naman yun ni Arman eh"
Ngumiti naman nang makahulugan si Allisson. "Oo nga pala nuh doon kayo nakatira sa bahay ni Arman. Kamusta naman?"
"Anung kamusta?"
"Kayo ni Arman nagkakabalikan ba?"
"Anung balikan pinag sasabi mo?"
Natawa naman siya. "Basta pupunta nalang kami sa inyo mamaya para sa dinner"
"Oh sige marami pa akong trabaho eh" lumapit ako sa kanila. "Pakiss nga ako sa maganda kung pamangkin" humalik ako sa pisnge ni Violet
"Tita your so ganda. Twins po talaga kayo ni Mommy"
"Ikaw mas maganda ka naman sa Mommy mo" sabay haplos ko sa pisnge niya.
"Oo naman Sis mas maganda ang anak ko sa akin" natutuwang sabi ni Allisson. "Balik na ako sa office ko Sis"
Tumango naman ako at umalis na silang mag ina.
"MOMMY" salubong sa akin nang mga anak ko pag pasok ko sa pinto nang bahay ni Arman. Humalik sila sa pisnge ko.
Naupo naman ako agad sa sofa at sumandal. Subrang pagod ko sa trabaho. "Mommy dito mag di-dinner sila tita Allisson ah" sabi ni Amara.
"Nabangit niya nga kanina" pinikit ko ang mata ko.
"Mommy tired?" -Austin
"Yes, subrang pagod ni Mommy" sagot ko sa anak ko.
"Daddy" narinig kung sigaw na naman nang mga anak ko malamang dumating na si Arman.
"Daddy look at Mommy she's so tired" narinig kung sabi ni Atasha sa Daddy niya.
May naramdaman naman akong mainit na dumampi sa noo ko. Kasabay nang impit na tili nang mga dalaga ko. "Clara?"
Napadilat ako. Nakita ko si Arman sa tapat ko at mag ka eye-lebel kami. "Bakit?" tanong ko.
Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Pagod?"
"Medyo lang naman" sabay ngiti ko sa kanya. Ang gwapo pa rin talaga.
May narinig kaming mag doorbell. "Ako na po Mommy" sabi ni Amara at pumunta sa main door.
"Mukha ka talagang pagod Clara, marami ba ang trabaho?"
"Yup, okay lang naman ako"
"Basta sa susunod wag ka-"
"Hi Sis" bati ni Allisson. Napatayo naman si Arman. "Hi Arman, mga anak batiin niyo ang tito at tita niyo"
Humalik naman sa pisnge namin ni Arman si Scarlet at si Violet habang nag wave naman ang dalawang anak na lalaki ni Allisson. "Allisson bakit hindi mo kasama si Dave?" tanong ni Arman.
"Umuwi sa hacienda nila ngayong gabi hindi naman kami makasama dahil bukas babalik din yun"
"Ganun ba. Kumain na tayo ng dinner" aya ni Arman.
Sabay-sabay na kaming umupo. Nakakatuwa naman ang mga anak ni Allisson dahil marunong na kumain mag isa ang mga bunso niyang anak.
"By the way Arman kamusta buhay mo?" tanong ni Allisson sa kanya.
"Mabuti naman! Nandito siya ngayon sa bahay ko, kumakain at katabi ko." sabay sulyap sa akin ni Arman.
Napansin ko naman ngumisi si Allisson habang si Atasha at Amara ay ngiting-ngiti na parang kinikilig. "Eh kamusta naman ang LOVELIFE mo Arman naghahanap kapa ba?"
"Hindi na dahil nasa tabi-tabi lang naman siya"
Bigla naman nag init ang mga pisnge ko dahil alam kung ako ang tinutukoy ni Arman. Nanatili nalang akong tahimik at kumain hindi ako tumitingin sa kanila.
"SIS?" napalingon ako kay Allisson na lumalapit sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa garden nag pa-paantok dito naman sila makikitulog. Naupo siya sa tabi ko. "Okay lang ba kayo dito?"
"Okay naman, masaya ang mga bata dahil kasama nila ang Daddy nila"
"Ikaw masaya kaba na nandito ka sa bahay ni Arman nakatira?"
"Oo naman masaya naman ako, magkaibigan naman kami ni Arman"
"Eh anu yung nakita ko kanina?"
"Alin ang nakita mo?" magtatakang tanong ko.
"Yung nakahawak sa kamay mo si Arman pag dating ko"
"Ah, wala lang iyon tinatanong niya kung pagod ba ako. Yun lang"
"Sis hindi mo ba napapansin?"
"Alin?"
"Mahal ka pa rin ni Arman, sa gawi nang pag tingin niya sayo. Ganun pa rin katulad nang dati" tumitig siya sa akin. "Mahal mo pa ba si Arman Sis?"
---
VOTE...
thanks for reading....
![](https://img.wattpad.com/cover/13817772-288-k244863.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)
BeletrieVOTE and PROMOTE MY STORY. Its arranged marriage. ano ang mangyayari sa kanila? liligaya ba sila o mauuwi sa pagkamuhi sa isat isa? Characters Dawn Zulueta as Clara Santiago-Antonio Richard Gomez as Arman Antonio Alice Dixson as Allisson Santiago