♦Star 39: Beach to Hospital

1K 18 1
                                    

♦Star 38: Beach to Hospital

[Shance's POV]

Dumaan ang dalawang buwan na ok na ang lahat. Busy nga lang kami ng banda.

Lalo pa kaming sumikat simula nang mangyari ang incident sa concert. At nang malaman ng public ang pagiging long lost daughter ko kay Mommy L.

Kinwento na rin sa akin nila Dad ang buhay pag-ibig nila Mommy. Yung kantang kinanta ko pala ay sulat ni Dad para kay Mommy nung 16th birthday niya.

Bata pa lang pala ay magkakilala na sila dahil sa bahay nila Mommy nagtratrabaho ang Dad ni Dad. Yung Lolo ko. Sabay na lumaki sila pareho at syempre nainlove sa isa't isa, pero dahil nga mayaman sila Mommy at sikat na artista ang Lola niya. Ay ayaw nila kay Dad para kay Mommy.

Nang malaman nila yun ay pilit na nilayo silang dalawa hanggang sa dumating sa puntong nagtanan sila ni  Mommy at dun na rin ako pumasok. Nagtago sila sa Lola ni Mom, pero sabi nga ng karamihan walang sikretong hindi na bubunyag kaya kahit anong tago nila dumating yung araw na natunton sila. Nang malaman ng Lola ni Mommy ang tungkol sa akin ay mas nagalit ito. Sa edad na 18 ay nagkaanak na si Mommy. At galit na galit ito kaya gumawa siya ng paraan. Binantaan niya si Mommy na kung hindi siya lalayo sa amin ni Dad ay gagawin niyang miserable ang buhay namin ni Dad. Pababagsakin yung business na tinatayo ni Dad. Hindi niya rin daw hahayaan na magkatrabaho si Dad.

Dahil mahal na mahal nga ni Mommy si Dad ay nilayuan niya kami. Nagsinungaling rin siya kay Dad na hindi niya ito mahal para protektahan kami ni Dad at dahil doon nagalit na rin si Dad.

Ang gulo at ang komplikado ng buhay nila nuh? Dinamay pa ang pangarao ko? Pero bilib rin ako sa kanila dahil na kaya nilang magsakripisyo para sa isa't isa.

Pero dahil solve na ang mga problema namin ay sobrang sweet na silang dalawa. XD

Mas sweet pa nga sa amin ni Nicol! XD

Kakatapos lang ng interview namin at guesting sa isang show. And wala ng kasunod dahil magbabakasyon kami!!

Buong banda magkakakasamang magcecelebrate ng christmas sa beach! Yun nga lang advance. Kasi sa December 25 marami sa amin ang wala rito dahil maga-out of town sila. May pupunta sa privince nila may magbabakasyon sa ibang bansa. Tulad namin ni Gelzen.

Family ni Gelzen sa France.

Kami naman sa Japan.

Family ni Khylle sa Cebu.

Family ni Nicol sa Australia.

Yaman nuh? Pero excited na ako! First time kasing icecelebrate namin ang pasko na buo na kami. At isa pa first time kong kasama sa pasko ang banda

Dito sa beach resort ng kaibigan ni Manager Nyx kami magcecelebrate.

Malapit ng maggabi kaya naghanda na sila.

Kami nila Ayelin at Gelzen nagpalit na ng damit.

Nakwentuhan kami kung anu-ano ang regalo namin sa mga partners namin. Ako unan kasi wala na talaga ako maisip na pwedeng iregalo sa kanya eh >.<. Ang hirap kayang mamili ng regalo sa lalake. Pag shirt, marami na siya nun. Pagrelo, mayaman yun nuh! Mas pa sa akin! Kaya bahala siya. Unan na lang talaga ang naisip ko!

Si Gelzen naman cellphone raw, yaman nuh? Pero reregaluhan naman niya ng cellphone si Khylle dahil nasira raw niya yung cellphone ni Khylle. Kaya yan pinalitan niya.

Si Ayelin naman pinagluto niya ng favorite food si Ivan. Sabi niya kasi hindi naman raw materialistic si Ivan. Kaya tuwing anniversary lang sila nagbibigay ng materiyal na reagalo.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon