♦Star 16: The little boy and the 3 Rules ^___^

1K 17 1
                                    

Star 16: The little boy and the 3 Rules ^___^

[Shance's POV]

"Hays~"

Napabuntong hininga na lang ako matapos akong kumanta. Ewan ko ba kung bakit ako biglang nagsenti dito (__") Para akong sira. Tsk, nevermind. Hayaan na nga lang daw natin yun. Kalimutan niyo nang kumanta ako.

Nasaan na kaya yu---

"Using my guitar without my permission?"

Medyo nagulat naman ako sa isang pamilyar na boses na narinig ko. Lumingon ako para makumpirma kung siya nga ang nagsalita.

O___O

"Oh, Band aid mo."sabay tapat sa akin ng band aid.

Teka? Kanina pa ba siya nandyan sa likuran ko? Narinig niya akong kumanta?!

"Tama ka nga Amatuer, kanina pa nga eh."then he smiled annoyingly.

Woah? Paano niya nalaman yun? Mind reader ba siya?

Marahas ko namang kinuha ang band aid mula sa kamay niya.

"Thank you!"mariin na saad ko.

"Mukhang maiinit ang ulo natin ah? Ayaw mo bang may nakikinig sayo?"

Inirapan ko na lang siya at binuksan ko na ang band aid para malagay ko na sa sugat ko sa paa. Habang nilalagay ko ang band aid ay tahimik lang siyang nakatayo sa gilid ko, wala yata ito balak na umupo.

Hindi ko na lang siya pinansin. Naiinis kasi ako. Naiinis ako dahil narinig pa niya akong kumanta ng ganung klaseng kanta. Hindi kasi ako sanay na may nakikinig habang kumakanta ako at nagsesenti at the same time.

Matapos kong ilagay ang band aid ay umupo na ako ng tuwid. Si Nicol naman ay nakatayo pa rin.

"Oh? Bakit ka nakatingin? Kung gusto mong tumawa GO! Walang pumipigil sayo. I know I'm not a good singer like you. Hindi mo nga tanggap n---!!"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang pinutol

"Why do you need to breathe?"he asked while staring at me with those kind of eyes.

Napatitig lang ako sa mga mata niya. Anong klaseng tingin yan? Hindi ko maintindihan. Bakit niya ba ako tinitingnan ng ganito?

"Huh? to live. Duh?"I said.

"Wag kang pilosopo."

"Magtanong ka kasi ng maayos!"

"Stop pretending you rotten apple. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin sa tanong ko." sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon