♦Star 25: The Other Story

1K 14 0
                                    

Star 25: The Other Story

[POV ni Author]

Abalang tinitignan niya ang sarili niya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Tinignan niya kung sino ang pumasok sa dressing room niya. Ang kanyang Manager.

"Hay naku! Luzie naman! Magsisimula na ang photoshoot mo, hindi ka pa ba tapos dyan?"medyo hingal na sabi nito sa kanya. Halata rito ang pagod dahil tumatagaktak talaga ang mga pawis nito.

"I'm ready"ngiting baling nito sabay tingin ulit sa salamin."Lalabas lang ako after a minute."

"A minute?! Why?"

"Hay naku Diane, don't stress out! Ako na ang bahala sa masungit na photographer na yun! Sige ka, hindi ka na papansinin ni Lover boy kung papangit ka!"kantsyaw nito sabay halakhak.

"Luzie naman eh! Hindi ko siya Lover boy! Eessh!"padabog na kontra nito.

"Hahaha! You're blushing."

Tumalikod saglit ang babae at may kung anong kinuha sa purse niya. Wallet. Hinagis niya ito sa kanya. Nasalo naman niya.

"Eh?"

"Buy some food and please do cancel all of my appointment after this photoshoot. Sasamahan mo akong mamimili mamaya."Kalmado na sabi nito habang palabas ng dressing room.

Wala namang nasabi si Diane sa sinabi ng alaga niyang si Luzie. Alam naman niya kung bakit sila mamimili mamaya eh. Ang pinagtataka niya lang eh, bakit hanggang ngayon ay dinedenay pa rin nito at walang ginagawa?

Sinundan na lang niya ng tingin si Luzie habang naunang naglakad.

Mas matanda ang kanyang alaga sa kanya ng pitong taon pero parang magkabarkada lang ang turing nila sa isa't isa. Hindi mo rin aakalaing turning 40 na ang kanyang alaga dahil sa gandang taglay nito, minsan nga ay naiinggit siya rito dahil walang kakupas kupas ang ganda nito.

Pero hindi dahil sikat at maganda ang kanyang alaga ay ibig sabihing masaya na ito. Naaawa nga siya rito sa lagay nito.

Sa totoo lang hindi niya aakalaing si Luzie mismo ang pipili sa kanya na maging manager nito. Hindi siya makapaniwala. Hindi lang dahil bata pa siya kundi dahil wala pa siyang sapat na kaalaman sa pagiging manager, pero dahil makulit si Luzie at gustong gusto siya ay pumayag na lang siya. Kahit papaano ay nalalampasan niya lahat ng problema kasama si Luzie.

XXX

Sa kabilang dako naman.

Nakatambay lang sa loob ng Restro Bar sila Dale and the band kasama si Adrian at si Patrick.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon