♦Star 37: Two Lovers
[Author's POV]
Lahat may ginagawa. Lahat busy. Lahat natataranta.
2 oras na lang at concert na ng bandang Heartstring, pero ni anino ng mga members ay hindi makita.
Tanging si Nyx at Patrick lang ang nasa venue ng concert para ayusin ang lahat. Kanina pa silang umagang abala. Mula sa pagkikipag-usap sa mga press. Sa pagkukumbinsi sa mga staff na ipagpatuloy ang concert. Lahat.
Nasa dressing room na rin ang mga make up artist na kasama ni Eunice, pero tangin paghahanda lang ng mga damit ang ginagawa nila dahil hindi pa nila nakikita ni isa sa mga members ng banda. Ang tangin sinabi lang ni Nyx ay sisipot sila sa concert.
"Lampas 8pm na, nacontact mo na ba sila Nyx?"tanong ni Patrick habang nagpapalit ng damit sa dressing room.
"Heto na nga oh.."sagot nito habang naghihintay na sagutin ng isa sa kanila ang tawag niya.
Kanina pa niya tinetext at tinatawagan ang mga number nila pero kahit isa wala.
"Ano ba yan..makakaabot pa ba sila?"
Kahit sila natataranta na. Hindi sa wala siyang tiwala sa mga alaga niya pero mahirap na. Paano kung hindi sila nakasipot? Magkakaroon ng riot dito sa venue ng concert. Paniguradong mag-aalboroto ang mga fans.
Pero kahit anong mangyari, hindi siya aalis sa tabi ng mga alaga niya.
"Nyx!"
Lumingon si Nyx sa tumawag sa pangalan niya at nakita niya si Diane kasama si Ms. L.
"Nasaan na sila?"
"Wala pa.."
"Ano? 1 oras na lang bago ang concert nila!"natataranta at nag-aalalang saad ni Diane.
"Alam ko, pero hindi ko silang macontact."nilipat niya ang tingin niya kay Patrick."Si Gelzen? Nacontact mo na ba?"
"Nandito na kanina pa si Gelzen kasama ang iba pa niyang classmate. Pinauna na raw siya ng mga ugok na pumunta rito."
"Aish! Ang mga yun talaga! Anong gagawin natin kung hindi pa sila sisipot sa concert time? Kahit mag-extend tayo ng 10-20 minutes, paniguradong maraming aalis at lalaki ang issue!"
Natahimik si Nyx sa sinabi ni Diane. Tama naman siya eh. Maraming pwedeng magbago kapag hindi nila matuloy ang concert ngayon. At alam nila, na pwede itong ikasira ng banda.
Alam niyang hindi iyon hahayaan ni Prince, pero ano na bang ginagawa nila at natatagalan sila?!
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Novela JuvenilAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?