♦Star 34: Thank you Nicol

886 14 0
                                    

♦Star 34:: Thank you Nicol

[Gelzen's POV]

"Hays~"

Tinignan ko lang si Sha. Sampung beses na siyang bumuntong hininga mula kaninang recess time. Tahimik, wala sa mood, hindi gaano na mamansin at lumilipad ang utak -___-

Pauwi na kami sa bahay ng banda. Marami pa kasing dapat asikauhin. 1 day to go na lang at concert na nila. Busy much, pero babalik ako mamayang hapon sa school, ayoko kayang umabsent nuh. Sayang ang attendance.

Pero itong si Sha naman, matamlay. Dahil siguro hindi pa nagtetext si Prince sa kanya mula kahapon.

Nakarating na kami sa bahay ng banda at wala pa ring imik si Sha. Nakatingin lang siya sa nakasarang pinto ng bahay. Mukhang nagdadasal siya na sana nasa loob si Prince. >__>

Ako na ang nagbukas ng pinto dahil mukhang walang balak si Sha eh. Pagbukas ko ng pinto ay lahat busy. Kung anu-ano ang mga ginagawa. Hindi ko na sasabihin kung ano man ang ginagawa nila dahil kahit ako walang alam. Basta busy sila para sa concert.

Si Manager Nyx, wala sa bahay. Sila Ivan, Ian, at Kulet lang ang nandito.

Sila lang...

"Saan yung isa?"tanong ni Sha ng malapag na niya ang mga gamit niya.

"Maagang umalis...May pupuntahan raw."sagot ni Ivan.

"Kanina pa nga yun eh. Dapat umuwi na yun.."dagdag pa ni Kulet.

Ang gagaling talaga ng mga itong umarte -__-. Kung hindi ko lang alam, naniwala na ako sa kanila. Kung mag-artista na lang kaya sila? Baka makakuha pa sila ng best acting.

Hindi ko pa pala nasasabi, may alam ako sa plano ni Prince. Nakikisakay lang ako sa kanila. Ang sabi ni Prince, ako lang ang bahala magbantay kay Sha habang inaayos pa niya ang lahat. Ang tatlong ugok naman ay aarte na walang alam.

"Ganun ba.."naging matamlay na naman siya.

Naku~ Kapag palpak ang ginawa ni Prince, malalagot sa akin yun! Kailangan maging masaya si Sha ngayon.

Nagpatuloy sila sa mga ginawa nila. Si Kulet, hindi ako makulit dahil busy siya. Ok lang sa akin, kasi kahit busy siya sa akin siya nakatingin at hindi sa ginagawa niya. >///>

Sweet much?

Umakyat muna ako sa kwarto ni Kulet para macharge, kahapon pa lobat ang cp ko. Kasalanan kasi ni Kulet! Tawa ng tawag sa akin hanggang nalobat na cp ko. Wala pa talaga sa akin kahapon ang charger kaya ngayon ko lang machacharger.

Baka may text si Kuya Adrian sa akin. Tagal pa talaga nito mapuno =___=+

[Shance's POV]

Wala na naman siya :(

Saan ba siya busy at kahit isang text man lang, wala akong natanggap.

Hay naku Shance, baka busy lang talaga. Hayaan mo na yun. Ano rin naman magagawa mo? Hindi ka niya girlfriend kaya wag kang umasta na parang kayo na.

At isa paa, ay sariling buhay yun. At ikaw may sariling buhay ka rin. May kanya kanya kayong problema, kaya unahin mo muna problema mo sa Dad mo.

:(

Pumasok ako sa practice room at dun nagpractice mag-isa ng kakantahin ko. Meron kasing part na ako lang ang kakanta. Hinayaan naman ako nila Ivan.

Maya-maya, may pumasok sa practice room. Si Ivan.

"Uy! Alis muna kami ni Ian ha? May pupuntahan muna kami. Kayo muna bahala sa bahay."

At bago pa ako makapagtanong ay tumakbo na siya. Mukhang nagmamadali.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon