♦Star 22: Foundation Day [Part 2]

890 15 0
                                    

Star 22: Foundation Day [Part 2]

[Shance's POV]

"Bakit kailangan mong lumabas? Paano kung nakilala ka ng mga students dito? Sigurado akong magiging laman ka ng mga balita! Phantom naman eh. Akala ko ba gusto mong kumanta? Kung ganyan ka, any minute the whole nation will know your identity. And what's worst, your Dad will know about this. You know what will happen right?"

Nagnod lang ako sa sinabi ni Nyx.

Pagkabalik na pagkabalik ko si Nyx agad ang nakasalubong ko pagkapasok ko ng drama club room. Nakakunot na noo at nag-aalalang mga mata ang meron siya ng mga oras na yun.

"Wag na wag mo ng uulitin yun."

"Opo..Sorry po."nakayukong saad ko.

"Ok! Maghanda na kayo. Kanina pa nagsasalita ang MC sa stage. Be ready."

Nagsikilos na ang mga staff na sumama sa amin. Pero hindi sila ganun karami. Tatlong make-up artist at isang PA.

"Naku Shany, halika rito! Aayusin ko ulit yang hair mo! Ang kalat kalat"sabi ni Ate Eunice sabay tulak sa akin sa upuan at hinarap sa salamin.

Tahimik lang ako habang inaayusan ni Ate kaya naman napansin niya ito

"Huwag ka ng sad dyan. Nyx is just worried about you and your career."

"I know Ate..pero hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Nyx. Alam kong may mali rin ako. Kahit na nakadisguise ako dapat pa rin akong mag-ingat kung ayaw kong mabuking ni Dad."

"Don't worry Shany. Everythings going to be fine...Andito lang kami sa tabi mo. And don't forget she's still your father, I know he'll understand you."

"But what if he'll never understands me? What if kung malaman niya 'to ilalayo niya ako sa inyo. Ate I don't want that to happen. I'm happy here."

Humarap ako kay ate..

Hindi ko maiwasang bigyan siya ng malungkot na expression.

Ngumiti siya sa akin and she cupped my face.

"Think possitive. Everythings going to be just the way it is...and I know you have a Knight in Shining armor so you don't have to think much."

Dahan dahang gumaan ang pakiramdam ko at nawala na yung kaba sa dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Ate.

"Thanks Ate."I smiled

"Ganyan! Ngiti lang Shany."

Ang bait bait talaga ni Ate Eunice. Sa kanilang lahat si Ate Eunice ang nakakausap ko sa mga ganitong bagay. Masarap kasama si Ate.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon