♦Star 27: Text & Interview

973 22 0
                                    

♦Star 27: Text & Interview

[Gelzen's POV]

Nandito lang ako sa may field kasama si Shance. Lunch time kasi at tambay mode lang.

Sa di kalayuan ay naglalaro si Jude kasama ang mga classmates namin. Bilad na naman sila sa araw =___=. Buti pa kami ni Shance, nasa ilalim lang ng puno. Nagpapahangin.

Sinarado ko saglit ang librong binabasa ko para makapagpahinga rin ang mga mata ko kahit sandali lang, pero pagkalapag ko sa damuhan ng libro ay agad kong napansin ang mukha ni Shance.

^__~

Alam niyo ba yung mukhang naiinis pero kitang kita mong may konting ngiti sa mga labi niya? Yung parang deep inside tuwang tuwa siya? Ganun ang mukha ni Shance.

"Sino ba yan katext mo ha?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Tatlong araw na rin kasing busy si Shance. Busy kakatext.

Ilang segundo na rin ang lumipas nang tanungin ko siya pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Nakikinig ba ang babaeng 'to sa akin?

Masilip nga. Sino ba yang katext niya?+___+

Dahan dahan akong sumilip mula sa likuran niya. Sakto kasing nakatalikod siya at mukhang hindi naman siya aware sa nangyayari sa paligid niya. At mula sa likuran ay nasilip ko na kung sino ang katext niya.

'ORANGE'

Orange? Teka, diba si Prince lang ang tinatawag niyang Orange? O__o

Abah? At kailan pa sila naging close? Tatlong araw na ganyan si Shance dahil kay Prince? Umiiba na yata ang ihip ng hangin para sa kanilang dalawa ah?

Pero hindi naman nakakagulat. From the start pa naman ay halata na sa kanila na hahantong sila sa ganitong sitwasyon. Sila lang siguro ang hindi nakakapansin dahil indenial pa silang dalawa.

Kung aminin na lang kaya nila?

Nakasilip pa rin ako sa screen niya. Pilit kong binabasa ang conversation nilang dalawa. At ano pang ikakagulat ko? Nag-aaway na naman silang dalawa. Kahit sa text bangayan pa rin ang ginagawa nila? Hindi ba sila napapagod at nauubusan ng topic?

Kung sabagay iisa lang ang pinag-aawayan nilang dalawa. Kung sino ang mas magaling.=__=

Mabuti pang magbasa na lang ulit kaysa makichismis sa buhay nila.

Tahimik na akong nagbabasa nang biglang natapon ni Shance ang CP niya.

"Anyare?"

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon