♦Star 24: The Other Sides

1K 19 1
                                    

♦Star 24: The Other Sides.

[Gabz's POV]

Nandito ako ulit sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Dito sa ilalim ng punong ito. Foundation Day din iyon nung nakilala ko siya.

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pumunta ulit dito kahit alam kong marami akong maaalalang masasaya at malulungkot na pangyayari rito. Dito sa ilalim ng punong 'to.

Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ulit ang ngiting pinakita niya nung araw na pinakilala ako sa kanya ni Patrick. Isang ngiting hindi ko makakalimutan hanggang ngayon. Isang ngiting nagpatibok ng puso ko sa unang pagkakataon. Tsk. Ang korni ko. =___=

Bakit ko nga ba naaalala ang mga bagay bagay na dapat ng kinakalimutan?

>>Flashback>>

"Gabrielle, kapatid ko si  Gelzen. Gelzen, si Gabrielle"pagpapakilala ni Pat sa amin.

"Hi! Ikaw pala ang bestfriend ni Kuya, nice to meet you"Nakangiting sagot naman niya.

<<End<<

Nang mga panahon na yun para ako nastatwa sa kinatatayuan ko dahil sa pagngiti niya sa akin. Oo, dahil sa ngiti niya kaya ako nahulog sa kanya. Naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa naging kami pero may mga bagay na hindi talaga inaasahan. Mga bagay na akala ko ok lang.

Nahulog din ako sa isa sa mga malalapit na kaibigan ko. Isang childhood friend.

"ARGH!!"natampal ko ang noo ko sa inis.

Tinignan ko ang dalawang taong nasa stage na sobrang saya. Napangiti ako ng mapakla. Karma ba 'to? Ang sakit..

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang nakangiti siya sa ibang lalake. Ganito ba kasakit ang katotohanan? Katotohanang wala na talaga siya sa akin? Na masaya na siya sa piling ng sikat na lalake na yun?

Ang sakit..

Sobrang sakit..

Naramdaman ko namang may lumapit sa akin. Paglingon ko sa likuran ko, nakita ko si Patrick.

"Ang tanga mo kasi"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi mo na kailangan sabihin."

Oo, sobrang tanga ko para pakawalan at saktan ang isang katulad ni Gelzen. Ang tanga ko para ipagpalit siya sa childhood friend ko. Sobrang tanga ko para hindi malaman na sobra ko siyang mahal.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon