♦Star 9: Silid Tulugan

1.1K 15 0
                                    

♦Star 9: Silid Tulugan =___=

[Shance's POV]

Hays~

Monday again..

Ewan ko ba. Habang patagal ng patagal ang school days nabobore ako. Siguro dahil sawa na ako sa mga paulit ulit na nangyayari. Gigising ng maaga, papasok with Gelz, mag-aaral, gagawa ng mga activities, kakain, aral ulit, magrerecite, at uuwi.

Oopss..

Hindi na pala ako umuuwi ng diretso tulad ng dati. May dinadaanan pa kasi kami ni Gelz with Kuya Pat. Minsan sa agency o sa bar, pero madalas sa condo ng banda.

Nakakapagod na nga eh. =___=

Simula nung napirmahan ko na ang mga papeles ay madami na akong ginagawa. Sabi ko nga parati akong nasa condo ng banda, dahil na din tinuturo nila sa akin yung new song nila. Ito daw yung kakantahin namin sa up coming concert nila. At dahil baguhan pa daw ako sabi ni Mr. Yabang dapat araw araw raw akong magpractice hanggang hindi ko pa nakukuha. =___=

Psh. Ang yabang talaga! Akala niya kung sino siya kung umasta.

Oo nga, siya ang ORIGINAL lead vocalist ng grupo pero hindi ibig sabihin kailangan niyang ipagmayabang at tapaktapakan lang yung kakayanan ko sa pagkanta.

Sabi pa nga nila Ivan at Khylle ayos na nga daw yung pagkanta ko. Ang bilis bilis ko raw matuto, pero etong si Mr. Know-it-all ayaw maniwala. Kesyo hindi daw tama, na may mali raw sa pagkanta ko, na may kulang daw!

Aish! Pasalamat siya masaya ako sa ginagawa ko kung hindi matagal ko na siyang binitay ng patiwarik!!

ARGH!!

*bell rings*

Sa wakas! Recess time na! ^____^

"Gelz? Recess na tayo!!"

"Ikaw na lang. May pinapagawa pa kasi si Ma'am Alderite sa akin."

Sabay labas ng room.

Ay ganun? Iwanan ba ako mag-isa? Psh. OK fine!

Ok lang din naman sa akin eh. Medyo nasa mood ako ngayon para mapag-isa. Ewan ko ba, parang gusto ko ring mapag-isa kahit ngayon lang. Madami rin kasi akong iisipin.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon