♦Star 2: Meet the boys >////<

1.8K 23 9
                                    

Star 2: Meet the boys >////<

[Prince's POV]

Yo! I'm Prince Nicol Salvador. Don't get me wrong, ok? Straight po ako =__= Ewan ko ba sa Author kung bakit ganyan name ko. Pwe, nakakainis lang!

(a/n: Bleh! Wag ka na kasing mareklamo!)

Fine, wala na din naman akong magagawa.

Ok, tulad nga ng sinabi ko, I'm Prince Nicol but I please, call me Prince not Nicol got that?

Nasa labas lang ako ng bar, nagpapahangin muna. Masyado kasing magulo sa loob ng bar. Alam niyo naman kung gaano kagulo sa bar diba?

Ang sabi nila may kakanta daw ngayon. Sikat dito yung singer na yun at magaling RAW.

Hmm? Tingnan nga natin.

Yan din yung reason ko kung bakit ako sumama sa mga kaibigan ko. Gusto ko lang malaman kung gaano ba kagaling ang tinutukoy nila. Hahaha, baka naman walang maibubuga ang taong yun?

Mayabang ba? Hindi naman, may self-confidence lang talaga ako sa sarili ko ^___^

Habang nagpapahangin ako dito ay sa di kalayuan ay may nakita akong babaeng may kausap sa Cellphone niya. Kung tutuusin nga kami lang yata ang nasa labas ng bar. Sa harapan kasi ng bar may fountain tapos sa may gilid naman may mini garden na may dalawang bench. Nakaupo ako sa isa sa mga bench tapos siya nakaharap sa may fountain.

Hindi ko alam pero pinagmasdan ko siya habang abala siya. Nakashort pants lang siya kaya naman naseseksihan ako ^___^ Sexy naman talaga yung babae, maputi pa yung legs at makinis pa yung balat. Hahaha! Wag kayong mag-isip ng kung ano ano dyan. I'm just describing her and I'm not so interested in a boring girl like her. Paano ko namang nasabing boring girl siya? Simple lang, wala akong makitang interesting sa kanya. Pareho lang siya sa ibang babae, maganda, sexy, makinis ang balat at for sure naman may talent siya, may dala ngang guitara eh.

Guitara?

Natapos na yata siyang makipag-usap sa tumawag sa kanya, pero napansin ko yung kaninang ngiti niya na abot tenga ay biglang naglaho? Bakit parang napalitan ng inis at lungkot? Anong meron? May split personality ba siya? 

May sinabi siya sa sarili niya bago siya pumasok. Nabasa ko yung mga labi niya.

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon