sorry kung may mga mali man..Hindi po ako ganun kagaling "OTL
=======================
Star 19: His cute side (O////O) [p.1]
[Prince's POV]
*blag*
Pagkasara ko ng pintuan ay agad akong humiga sa kama.
TSK! Ang boring naman. Anong bang nangyayari sa mga tao rito sa bahay?
Mabuti pa si Ivan walang problema, hindi tulad namin. Ang daming proproblemahin.
Data rati wala naman akong ibang prinoproblema kung hindi ang kagwapuhan ko, pero simula nang dumating ang Mansanas na yun hindi na ako makapag-isip ng tama. Palagi na lang siyang sumusulpot sa tuwing may iniisip ako. =___=
Katulad na lang kanina sa may hagdan...
May inaalala akong mahalagang bagay nang bigla na lang siyang magsalita sa likuran. Tsk. Istorbo talaga yun kahit kailan.
Pero ang mas nakakainis ay itong letcheng utak ko! Hindi ko na maintindihan kung bakit ganito ang takbo ng pag-iisip ko. Naiinis na ako ha?! =___=+++
Sa tuwing nakikita ko siya o nakakasama naiinis ako. Gustong gusto ko siyang asarin para mainis siya sa akin at umalis na sa harapan ko, pero kapag wala siya o hindi na siya naasar sa akin, hinahanap ko siya =___= Takte! Anong problema ng utak ko? ANG GULO!! AISH!!
THE HELL!
Mabuti pang matulog na lang para hindi ko siya maisip!
Umalis ako kanina sa practice room para hindi ko siya makita pero ngayon iniisip ko naman siya. =____=
Ayokong mag-isip kaya matutulog na lang ako.
Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ako makatulog.
####
Hmmm? Andito na naman ako? Sa silid na 'to?
Tsk.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang silid na parati kong napapanaginipan. Isang silid na walang pintuan.
Napapalibutan ng itim at pulang kulay ang buong kwarto. Mga upuang kulay pula na may mga desenyong elegante na kulay itim naman. May kama ring na kulay pula at itim. Masasabi kong isa itong kwarto ng isang mayamang tao, pero may dalawang bagay na nakakainis sa kwartong ito.
Una, walang pinto na pwedeng pasukan. Pangalawa, tanging iilang kandila lang ang nagbibigay ng ilaw sa silid na ito.
Seriuosly, what's up with this creepy room?
Ilang beses ko na itong napanaginipan, pero hindi ko pa rin maintindihan ang kwartong ito.
By the way, may piano rin dito sa kwarto at nasa gitna pa mismo. Isang eleganteng black piano.
Lumapit ako sa piano at umupo rito. Pagkaupo ko ay may sumulpot na pintuan sa kanang bahagi ko at tumambad sa akin ang isang batang babaeng nakapony tail.
Siya ang isa pang misteryo sa panaginip ko. Parati siyang susulpot sa tuwing uupo ako sa harapang ng piano. Hindi ko pa nga kilala ang batang ito. =___=
"Andito ka ulit Nicol!"masigla at may ngiting saad ng bata.
"As always."ngiting sagot ko rin.
Pero kahit hindi ko siya kilala, natutuwa ako sa kanya. For some reason she always make me smile.
"Nicol!! Samahan mo ako ulit!"^___^
"Kuya"pagtatama ko sa kanya."Kuya dapat ang itawag mo sa akin. I'm older than you, ok?"
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Novela JuvenilAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?