♦Star 21: Spending the night
[Shance's POV]
"Akin na yan! Ang takaw takaw mo Ivan!"sigaw ni Orange.
Hindi lang nagsalita si Ivan at mas nilayo pa ang mango float.
Hindi lang sila maingay, makalat pa!
Kung ganito lang rin naman ang mangyayari sana hindi na lang ako pumayag na patulugin sila dito!
Si Ivan at Orange, pagkain ang inaatupag. Sila Ian naglalaro ng video game sa kwarto ni Yves. Nagsama ang dalawang anti-social sa iisang kwarto. Si Khylle naman parang baliw, tumatawa mag-isa habang relax na relax na nakahiga sa sofa. =___=
"Ang sisigla ng mga kaibigan mo hija."bigla na lang nagsalita si Manang sa likuran ko.
Nakakagulat din 'tong si Manang =__=
"Mga baliw kasi."sagot ko."Sumasakit ulo ko sa ingay nila. Makikitulog na nga lang sila, magkakalat at mag-iingay pa sila. Feel at home ang mga baliw. Tapos, alam mo ba manang yang pinakamaingay sa kanila, parati akong inaaway at minamaliit. Akala niya siya na ang pinakamagaling sa lahat. Wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako! Aish!! Tapos, sobrang higpit pa niya pagpratice time!"
Habang sinasabi ko yun ay nakita kong ngumiti si Manang.
"Masaya ka ba hija?"
"Po?"
Binigyan niya ako ulit ng matamis na ngiti.
"Masaya ako para sa'yo. Mabuti naman at nakahanap ka ng mga kaibigang tulad nila. Nagagawa mo na talaga kung anong gusto mo simula nang makilala mo sila."
"Ano pong sinasabi niyo Manang? Nagrereklamo ako dito tapos yan po ang sagot niyo?"
"Kung nagrereklamo ka hija, bakit nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka?...Sha, hindi ibig sabihin nakakainis sila eh hindi mo na sila gustong makasama. Minsan ang mga taong nakakainis ay ang mga taong magiging sandalan mo sa mga oras na hindi mo na kaya. At kung awawalay man sila sa'yo ay siguradong hahanap hanapin mo ang kakulitan nila."
"Sige, lilinisin ko na ang lababo. Samahan mo muna sila hija."ngumiti si Manang bago pumunta sa lababo.
Ako naman ay lumabas na ng kitchen. Nakita ko namang naagaw na ni Orange yung mango float at mukhang pinagtatawanan lang siya ni Ivan.
Pati ako natatawa sa kanilang dalawa. Basta ba pagkain game na game sila.
Siguro nga tama si Manang...
Aaminin ko. Masaya ako kahit nakakaasar sila mas lalo na si Orange.
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Fiksi RemajaAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?