♦Star 36: Problematic Leader
[Author's POV]
*BLAG!!*
Isang malakas na ingay ang narinig nila Manang Fe at Yves kaya mabilis silang lumabas ng kusina at pumunta sa sala. Nakita nila roon ang mag-ama.
Hindi na nila kailangan tanungin kung anong nangyari dahil base sa ekspresyon ng mukha nila ay alam na nila. Alam na ni Eljay ang tungkol sa pagkanta ni Shance sa publiko.
Halata sa mga mata ni Shance na umiyak ito dahil namamaga ang mga mata niya.
Huminga ng malalim ito bago tanungin sa Dad niya ang mga tanong na kanina pa umiikot sa kanyang isipan. Mga tanong na pwedeng makasagot sa mga katanungang matagal ng hindi nasasagot.
Mga tanong tungkol sa kanyang Mom.
"D-Dad.."halos pabulong na tawag niya sa kanyang Dad na nakatalikod sa kanya."Ngayon lang..kahit ngayon lang Dad..Tell me..tell me everything.."
Bumagsak ulit ang mga luhang kanina lang ay napahinto na niya. Sa tuwing iniisip niya ang mga bagay na nangyari kanina ay parang may tumutusok sa kanya dibdib.
"Dad!"sigaw niya dito ng hindi ito sumagot.
"What?!"pasigaw na sagot nito pagkaharap sa kanyang anak. Ayaw na sana niyang halungkatin ang mga bagay na matagal na niyang binaon pero heto siya ngayon, tinatanong na ng kanyang anak."Ano bang gusto mong malaman ha?! About your Mom? Yes! Miss L is your Mom. She's the one who abandoned us both!!"
"Abandoned us? Anong sinasabi mo? Ang sabi niyo namatay si Mom sa isang accident noong 6th birthday ko? Dad, wala akong matandaan sa childhood ko. All I remember was she always sing for me before I sleep."napahawak si Shance sa ulo niya. Gulong gulo na siya. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya."Tapos, sasabihin niyo iniwan niya tayo? Bakit? Bakit, Dad?!! Tell me!!"
"She choose her career over us!! Ok?! Iniwan niya tayo dahil mas mahalaga pa ang career niya kaysa sa ating dalawa!! Mas mahal niya ang pagkanta kaysa sa atin! Kaysa sayo!!"
Napatakip ng bibig si Shance sa narinig niya. Napaupo siya sa sahig dahil kahit ang kanyang katawan ay hindi kinaya ang mga naririnig niya ngayon. Inalalayan siya ni Manang Fe na tumayo at pinaupo siya sa sofa.
"Pero hindi Dad...Hindi siya ganun eh.."
Gusto niyang maniwalang si Tita L nga ang Mom niya pero ayaw niyang maniwalang magagawa siyang iwan nito.
Kanino ba siya maniniwala? Sa Dad niya o kay Tita L na sa maiksing panahon ay nakabonding niya.
"Anong hindi?"
"No Dad..you're lying, Dad."
"Ako pa ngayon ang sinungaling?!"
"Oo!! Imposibleng ganun si Tita L!! Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, hindi siya ganun!! She treated me like her own daughter, well of course I'm really her daughter...pero...ang sinasabi mo.."napailing lang siya habang iniisip niya ang sinasabi ng kanyang Dad.
"Believe me or not, hindi magbabago na iniwan niya tayo!"
May bigla siyang naisip na pwedeng maging dahilan kung bakit ayaw siya pakantahin ng Dad niya.
"Wait..so, ibig sabihin..ayaw niyo akong pumasok sa music industry because of Mom? Because you don't want us to meet?"tumayo siya at hinarap ang Dad niya."Ang sinasabi niyong sisira sa buhay ko ay ang Mom ko? Ganun ba Dad?! Ha?!"
"Oo! Yan mismo ang dahilan ko. Ayokong magkita kayo dahil ayokong masaktan ka kung malalaman mo ang totoong dahilan kung bakit wala kang Nanay. I don't want to see you suffer because of the truth."
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Ficção AdolescenteAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?