Si Ivan po yung sa side ^___^
==================================
♦Star 11: P. Nicol & S. Ahpple
[Prince's POV]
Habang nagpapahangin ako dito sa may garden ng hospital ay nagring ang aking cellphone.
~Calling...~
Ivan
Mukhang hinahanap na ako nila Ivan?
Hinahanap din kaya ako ni Mansanas?
Oh! Wag kayong malisyoso dyan! I mean, dapat niya lang akong hanapin para magthank you siya! Hindi pa siya nakakapagpasalamat sa akin.
Sinagot ko na ang tawag ni Ivan.
"Bakit?"
Ang gwapo ko talaga kung makasagot! XD
=Hoy malandiang gwapo, nasaan ka na ba?=
Aba?! Sinong malandi? Gwapo ako pero hindi ako malandi!
"Sinong malandi?"
=Ikaw.=
"Aba--"
=Bumalik ka na dito. Hanap ka ni Shance.=
"Ho--"
*tooot~tooot~tooot~*
What the ef!! Babaan ba ako?! Walangya talaga yun. Psh.
At ang lakas din ng loob nung utusan ako na bumalik dahil lang hinahanap ako ng mansanas na yun?
Teka..
Hinahanap ako ni Mansanas? Bakit kaya? Siguro magthathank you siya sa ginawa ko! ^___^ Dapat lang! Swerte siya at isang gwapong nilalang ang nagligtas sa kanya! May libre pa siyang yakap mula sa akin! XD
Pabalik na sana ako sa loob nang makasalubong ko si Ian.
Ibang klase rin ang isang ito. Para siyang kabute, bigla bigla na lang susulpot kung kailan niya gusto =___= Kanina wala siya rito ngayon nasa harapan ko na.
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Ficção AdolescenteAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?