Star 19: His cute side (O////O) [p.2]
[Shance's POV]
"IKAW??!!!"
Nagulat ako sa biglang pagtayo niya. Tumingala ako para tingnan siya, pero bakit 'to. Nakakaramdam ako ng takot. Yung mga tingin niya.
Hindi ako makatayo.
"Ano bang pumasok sa letcheng utak mo at nagsuot ka niyan!! Akala mo ba nakakatuwa?! Pwes HINDI SIYA NAKAKATUWA!!"
"N-Ni-col..Te..ka lang."wow, nauutal ako? Bakit?
"SHUT UP!! Siguro ginawa mo 'to para pagtawanan mo ako noh?!! Para makabawi ka! Nagtanong ka pa sakanila!! You're a selfish person! Kasiyahan mo lang ang iniisip mo!! Hindi mo ba iniisip kung may masasagasaan ka ba o wala!! T@NGNA NAMAN!! TUMAWA KA NA DYAN KUNG GUSTO MO!! HINDI KA BEST ACTRESS PARA UMIYAK!!"
Umiyak? Umiiyak ako?
"Wa-la akong alam...sila Khylle gumawa ni-to..lahat nito..sila. Hin-di ko alam...na t-takot k-ka.."
"Hah? Hindi mo alam?! EDI SANA KUNG GANUN INALAM MO MUNA!! BULLSH*t!!"
"surpri-price raw.."
"NAGPAUTO KA RIN?! GANUN?!!"
Hindi ko alam pero natatakot ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasigawan ng ganito with matching insulto pa.
Ang bigat.
Mali ba talaga ako?
Yumuko lang ako at tumayo.
"ANO MAY SASABIHIN KA PA BA?! ANO?! SIGURO SOBRANG SAYA MO NGAYON NOH?! WAG KANG UMAKTING DYAN DAHIL HINDI KO YAN BIBILHIN!!"
"So-sorry.."
Nakatayo lang ako.
Pinunasan ko yun letcheng luha ko bago ko siya hinarap. Akala niya hahayaan ko lang siyang sabihan ako ng kung anu-ano?
Iyakin ako at madaling masaktan, pero sa mga ganitong sitwasyon alam kong kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.
Tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata.
"Sorry ha?"panimula ko."Sorry kung sinunod ko sila...sorry kung hindi ako nagtanong..sorry kung ginawa ko 'to..sorry kung natakot kita..sorry kung hindi ko alam or let me say WALA AKONG ALAM dyan sa phobia mo! pero hindi ako selfish tulad ng mga sinasabi mo!! Kung gusto ko man bumawi sayo, hindi sa ganitong paraan!!"
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Ficção AdolescenteAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?