♦Star 31: People changed

971 16 0
                                    

Dedicated 'to sa kanya kasi magpopost na rin siya ng story niya..sana matuloy XD

HOY Edgie!! Post mo na !! XD 

---------------

♦Star 31: People changed.

[Shance's POV]

Pagkatapos ng date namin ni Tita L sa Watties Plates ay umuwi na kaming dalawa. Ihahatid niya sana ako, pero tumawag agad ang Manager niya. Mukhang may Importanteng gagawin.

Kaya naman, tinawagan niya na lang si Orange para sunduian ko. Required talagang siya ang tawagan? Kung sabagay, manliligaw ko eh :')

"Did you enjoy your date with Tita L.?"tanong niya habang nagmamaneho. Heto ako nakaupo sa may driver sit at may ngiti sa mukha.

"Syempre naman! Dream come true talaga 'to para sa akin. Dati rati, makita ko lang siya oks na. Pero ngayon? WOW! Nakabonding ko pa siya! Sobrang saya ko!"

Ok ako na talaga ang masaya. Ikaw ba naman, makasama mo ang idol mo? Sino bang hindi sasaya? Aber? XD

Narinig ko namang tumawa siya ng konti. Tinignan ko siya at hindi nga ako nagkakamali. Lapad ng ngiti.

"Ang lapad ng ngiti natin ah?"taas kilay kong tanong.

"Wala lang. Nakakatuwa ka kasi."at mas lalo pang lumapad yung ngiti niya.

^________^<---siya

~___~<--ako

"Pinagtatawanan mo ba ako? Ha Nicol?!"

Ewan ko lang pero trip kong mangasar ngayon >:D

"Hindi ah! At wag mo nga raw akong tawaging Nicol! So, Gay!"reklamo niya pero nakasmile pa rin.

"Gay gay ka dyan! Gay mo mukha mo! Arte nito. Bleh!"binelatan ko lang siya bago tumingin sa right side ko. Tinignan ko lang yung mga bahay na nadadaanan namin.

"Ay tampururot? Hahaha! You never fail to make me smile."

Nang nairnig ko yun naramdaman ko na lang na...na..kinilig ako. >////<

Shete! Ang cheesy niya! Ampupu naman oh! Itago mo mukha mo Shance! Pulang pula na yan! Aish!

Hininto na niya ang car. Hindi naman eksakto sa tapat ng house namin. Nasa kabilang daan pa kasi.

Bababa na sana ako pero naramdaman ko namang hinawakan niya agad ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Sarap mo talagang mahalin"then he kissed the back of my left hand.

O////O<--ako

^____^<---siya

Hindi ako agad nakareact sa ginawa niya. Mukhang nagyelo at ang mga paa ko at ayaw gumalaw.

Siya na lang ang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkalabas ko lumilipad pa rin ang utak ko. Shete! Umayos ka nga Shance! >/////<

"Abah? Kinikilig si Mansanas. Tsk! Gwapo ko talaga nuh?"sabay ngiti. Ngiti na nagyayabang!

Anak na--!

"Yabang! Umuwi ka na nga lang!"at tinulak ko siya. Aalis na sana ako pero hinila niya ako pabalik sa kanya and this time mabilis niya akong niyakap.

Yung dalawang kamay ko nasa pagitan namin. Yung kamay naman niya nasa likuran ko at nakayakap.

O////O

Nakangiti siya habang tinitignan ako.

"Alam mo..nakakaadik ka kahit naasar ako sayo. Tsk. Ano bang meron sayo at simula nang dumating ka, nagkaganito na ako?"

My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon