♦Star 35: Reunion.
[Author's POV]
Habang nagsasaya ang banda kasama si Shance ay namomoblema naman si Adrian.
"Gelzen naman...answer the phone!"
Kanina pa niya tinatawagan si Gelzen pero hindi nito sinasagot. Ring lang ito ng ring. Hindi naman niya matawagan si Patrick dahil sira ang cellphone nun. Wala rin siyang contact sa ibang members ng banda. Kahit number ni Shance wala.
"Nakakainis naman oh! Kung kailan may emergency saka pa sila hindi makontak?! T@enas!"
Nasabunot niya ang sariling buhok dahil sa sobrang inis sa mga nangyayari.
Kung sasakay siya ng Taxi ay hindi siya makakaabot sa Paseo. Kailangan niya talagang masabihan sila.
Paikot ikot lang siya sa labas ng isang five star hotel at kanina pa nag-iisip kung papaano niya kokontakin ang mga ito.
"Ah! Teka lang.."
Biglang may naalala siya..si Dale!
"Tama!"
>>flashback>>
"Oh? Saan ka pupunta Dale?"tanong ni Angelo habang nakatambay sa labas ng bistro bar.
"Tatambay sa Paseo. Ang boring dito. Tutal, wala naman tayong raket ngayon dahil close 'tong bar."
"Sama kami!"--Angelo
"Aish~"
Lumapit naman si Adrian sa kanila.
"Sige na. Pumunta na kayo. I still have some business. Bye!"
Hindi na niya hinitay na magsalita ang isa sa kanila at nauna na siyang umalis.
<<end of flashback<<
"Si Dale! Tama si Dale!! Sana nandun pa yun! Anong oras na ba? Aish! Nakakataranta naman 'tong binigay na trabaho ni Gelz sa akin." >__<
Mukha na siyang baliw dahil kanina pa niya kinakausap ang sarili niya.
Dali dali niyang dinial ang number ni Dale.
"Oh? Bakit?"
"Where are you now? Nasa Paseo ka pa rin ba? Ha?"
"H-Ha? Ahm..kakaalis ko lang, pero hindi pa ako nakakalayo. Bakit?"
"Please! Can you go back?! Hanapin mo sila Gelzen may emergency!! Sila Richard at Angelo nasaan?"
"Umuwi na ang mga yun. Teka, bakit ko pupuntahan ang malditang yun? Anong emergency ka--"
"Papunta na dyan ang Dad ni Shance!!"
"ANO?!!"
Nailayo agad ni Adrian ang cellphone sa tenga niya dahil sa pagsigaw ni Dale sa kabilang linya.
"Just GO!!"
"Ok! ok!"
*toot.toot*
Hindi pa rin mapakali si Adrian. Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. Public place pa naman yun at ang pagkakaalam niya ay may surprise si Prince kay Shance.
Ibinulsa na niya ang cellphone niya at pumara ng taxi. Kailangan niyang humabol sa Paseo at tignan kung anong mangyayari.
[Gelzen's POV]
"Aish~ Ang tanga ko naman!"nasapo ko ang noo ko sa sobrang inis.
"Oh? Bakit ka Angel ko?"tanong ng katabing kong makulet.
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Teen FictionAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?