Pasensya na po at mabagal na ang UD ko. =___=
at kung meron mang grammatical errors at typo errors pagpasensyahan niyo na (_._)"
============================================
♦Star 12: ISAW!!
[Shance's POV]
"Ano ba Nicol!! Hindi nga yan sabi pwede!"sabay agaw ng hawak niya pero inagaw lang niya ulit sa akin.
"Manahimik ka nga mansanas! Tandaan mo ako ang leader!"
"So what kung leader ka?!"
"Ibig sabihin AKO.ANG.MA.SU.SU.NOD!"pinangdilatan pa ako ng mga mata habang nilalayo niya ang bote ng alak na hawak niya.
"Hoy leader na walang kwenta! Ako ang assign na mamili kaya naman ako ang masususnod ngayon!"nakapangewang na sabi ko habang dinuduro-duro ko siya.
"Hey! Wag mo akong duruduruhin! Leader mo ako!!"
"Manahimik ka! Akin na yang alak!"sabay talon para maabot ko sa kanya.
Nyemas naman!! Bakit ba ang tangkad ng bwisit na 'to!?
Mukhang isang drum ng cherifer ang ininom nito dati eh =___=
"Akin na Nicol!! wala yan sa listahan!!"
"Kung kaya mo! Bleh" at tinalikuran na niya ako.
"BWISIT KA NICOL!! IKAW ANG MAGBAYAD NYAN!!"
Padabog kong kinuha yung basket na nasa paanan ko at nagsimula na akong maglakad. Nilampasan ko lang siya at derederetso lang ako sa counter. Nabili ko naman lahat ng nasa listahang binigay sa akin ni Ivan kanina. Walang kulang pero may labis =___= Yun ay ang 5 alak na binili ni Nicol. Halang yata 'to sa alak eh..
Bakit ba kasi ganyan ang mga lalake?! Gustong gusto ang mga alak tapos kapag nagising na magrereklamong masakit ang ulo nila na parang sasabog na?!
Ewan ko ba kung bakit pa niya ako sinamahan papunta dito sa convenience store. Parang kanina lang todo tanggi siya sa sinabi ni Ivan. Mukhang may sinabi si Ivan sa kumag na 'to para sumama talaga sa akin. =___= pero sana hindi na lang siya sumama, hindi lang sakit ng ulo ang dala nito eh, dagdag gastusin pa. Mabuti na lang at pera niya ang ginamit niya para bilhin yung limang alak kung hindi ihahampas ko sa kanya itong plastik bag na hawak ko na may laman pang softdrinks in can.
![](https://img.wattpad.com/cover/859103-288-k559529.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brightest Star [COMPLETED!] 1 to 40+Epilogue :)
Dla nastolatkówAn energetic but a PESSIMIST girl turned to be a famous vocalist and met an arrogant, handsome, OPTIMIST, male vocalist... Paano kung magkrus ang landas nila?