Jairus POV
"Ma andito napo kami." Sigaw ko pag kapasok sa loob ng aming tinitirhan.
"Kuya wala ata sila mama patay yung ilaw e." Sabi ni julienne.
"Baka umalis lang sila tara pasok na tayo." Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Sobrang dilim naman dito hinanap kaagad ng kamay ko ang pindutan ng ilaw kaso diko makapa nasan naba yun. At ilang saglit pa nahanap kona kaagad ko itong pinindot at nanlamig sa aking kinakatayuan. Si mama at papa naliligo sarili nilang mga dugo.
"HINDEEE!!!" sigaw ko. Nakarinig naman ako ng mga yabag at ilang saglit pa bumukas yung pintuan.
"Anak anong nangyari okay kalang?" tanong ni mama.
Nagulat sya dahil sa biglang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit naramdaman ko nalang yung mainit na likido na bumababa sa aking mga mata naiyak lalo ako nang hagurin ni mama yung likod ko.
"Ma nanaginip po ko ng masama. Ma wag nyo po kaming iiwan ni papa."
Nanginginig na sabi ko."Shh panaginip lang yon di kami mawawala ng papa mo shhh tahan na. Di bagay sayo." Sabi ni mama na ikinataka ko.
"Po? Di bagay?" Sabi ko.
"Oo anak ampanget mo pala umiyak." Imbis na mainis natawa nalang ako.
Nagtanong naman ako kay mama ng ilang mga bagay. Oo nga pala pag ka uwi naming magkakapatid humiga pala kaagad ako kaya diko namalayang dinalaw nako ng antok.Masisisi nyo bako e napagod ako kay baklang suma tyaka sa mga kampon nya.
Sabay sabay kaming kumain pagkatapos kong umiyak nag kwentuhan naman kami at naikwento ko yung sa away akala ko magagalit sila pag katapos ko kaseng mag kwento na bakla pala yung suma nayon tawa sila ng tawa sisiga siga e daig pa pala yung nalantang gulay.
...
Kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking kama at naiinis.
"Anak ng tekwa naman kanina pako chat ng chat ayaw mag reply hirap talaga kapag maganda yung nililigawan madaming kaagaw." Naiinis na sabi ko sa sarili ko.
Ibababa kona sana kaso parang gusto kopang mangulit. Yari ka sakin.
"Hey kamusta kana." Pagtitipa ko sabay send.
"Huy kumain kana ba?"
"Nandito nako sa bahay kanina pa sabi mo mag chat ako kapag nakauwi nako." Natatawa kong chat hehe wala naman syang sinabi eh.

BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...